Tuesday, December 4, 2012

Cinco. Kamsa. Lima. Five.


Why FIVE is so special? 

Hindi naman namin monthsary talaga ngayon, kasi ang kinoconsider namin na official ay May 20. It took us awhile to really determine our monthsary, naging peg pa namin ang EVERYDAY monthsary kasi hindi nga namin alam kung ano ba talaga kami that time. Ang alam lang namin, we are really enjoying each other's company and na nagg-grow yung feelings everyday na magkasama kami this Summer 2012. 

It was a great summer indeed. I went home (for 2 months) to fix my papers for my current job, not expecting anything especially in the aspect of relationship but then God is good, He has a purpose. Nakakatawang balikan ang nakaraan, kung paano nagsimula ang lahat at kung paano naging daan ang May 5, 2012 para sa aming dalawa ni Yuan. Hindi lahat nakakaalam kung ano ang mga pangyayaring naganap nung araw na iyon, pero nananatiling espesyal para saming dalawa ang May 5 dahil iyon talaga ang nagbigay daan para mas lumalim pa ang pagtitinginan namin sa isa't isa. 

Ang naudlot na date sa RW.

Ang gala with the teacherrifics
May lakad dapat tayo niyan, first time nating lalabas at pupunta ng Resorts World pero dahil sa mga kadahilanang napapadalas na nga ang asaran sa ating barkadahan, kinailangan kong umiwas at icancel nalang ang ating date at sumama nalang tayo sakanila sa ATC. 

May kakaibang ilang na nadarama nung araw na to, hindi ko maexplain pero sobrang ilang na ilang ako sayo at hindi na kita makausap kagaya ng dati. Nageexpect ako na kakausapin mo ko kung tutuloy parin ba tayo after ng lakad ng barkada natin pero dinedma mo ko at isa ka ring snob nung mga panahon na yun. Nakaramdam ng kakaibang tensyon mula sa ating dalawa at natapos ang gabi na kahit busog tayo sa tawanan at pagkain kasama ang ating mga kaibigan, hindi naman natuloy ang plano natin at umuwi kang magisa at naiwan ako sa ATC kasama si Ziegrey. 

Ang unang pag-amin kay Ziegrey. 

Nacoconfuse na ko ng mga panahon na to. Hindi ko alam kung bakit ang bilis naman magkafeelings para sa isang tao, eh isang linggo palang naman talaga tayong halos araw-araw magkasama. Oo, magkaibigan tayo pero hindi naman talaga sumagi sa isip ko na magiging tayo or magkakafeelings na serious. January pa ng una tayong nagtawagan ng BABE at nagkukulitan sa facebook at twitter, pero hindi naman tayo umunlad doon at talagang alam kong joke time lang.
Kaya nung araw ng May 4, hindi ko magets bakit ako nadidissapoint at di tayo natuloy sa lakad natin at bakit hindi mo ko kinausap. Kinailangan ko ng confidant at taong makikinig sa akin, at nasabi ko na nga kay Ziegrey ang medyo namumuong pagtingin ko sayo. Haha! Medyo nagulat pa nga si Zieg, kasi di niya daw tayo maimagine. Pero bottom line ng gabing yun, kinailangan kitang itext at tanungin kung ano ba ang nangyari. 

So, tinext kita, at ang tagal mong magreply. Akala ko di ka na magrereply. After 1 hour siguro, nagreply ka at natuwa naman ako. Nagdecide tayo na magkita muli kinabukasan para mag-usap at kahit di malinaw kung ano ang dapat pag-usapan, tinuloy narin natin ang ating naudlot na date. 

There was HOPE. 

May 5 na. Parang naaalibadbaran ako na hindi ko maintindihan. Ayokong dumating ang 3 pm kasi alam kong magkikita na tayo eh hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sayo. Haha! Confused talaga ako sa feelings ko pero alam kong andun na sa point na gusto kita pero hindi ko masabi kung malalim ba o infatuation ba o naaaliw lang talaga ako. 

Nagpunta tayo sa JAMBA JUICE.

Napaka-haba ng usapang ito. Hindi natin alam kung paano b natin mareresolve ang isyung walang issue. HAHA! Siyempre nauna ka magsalita, at naglitanya ka na tungkol sa dati mong feelings for me at ang past mo at ang fears mo at ang expectations mo at ang maraming marami pang topics na hindi matumbok kung ano ba talaga tayo. 
Jamba Juice
Hindi ako makapagsalita that time, ang dami ko rin talagang gustong sabihin di ko lang alam kung tamang oras ba iyon. Pero dahil naisip ko baka hindi na ito mangyayari ulit, nagsabi narin ako ng feelings ko for you. 

Nag-agree tayo na we like each other but we need to figure it out kung kaya ba natin ang long distance at kung kaya ba natin yung maging tayo. Natapos ang gabi na hindi malinaw kung ano tayo, pero sabi mo nga sa binigay mong notebook sa akin bago ako umalis... 

Basta ang araw na ito malinaw sa akin na gusto kita at gusto mo rin ako. Masaya na ako dun. 

MCDO

Masaya ako na nakapag-usap tayo ng araw na ito Babe. Alam ko talaga na espesyal to sa atin at kahit siguro mag-asawa na tayo at magkakapamilya na, maiisip ko parin yung Saturday ng May 5 dahil kung hindi rin naganap ang araw na iyon, baka hindi nga tayo umunlad na dalawa. Baka matulad lang sa dati na hinayaan nalang natin ang feelings na mawala at bumalik nalang tayo sa pagiging magkaibigan. 

 7 MONTHS and COUNTING!

It's been 7 months since May 5 Babe and I can still recall how blissfully peaceful and romantic that day turned out to be. I can't thank Him enough. Matagal din tayong naghintay, and we couldn't be happier! Praise God! :) 


I love you babe! Happy 5! Isa sa napakadami nating memorable dates. 

To infinity and beyond, from now until forever. 


Blogged. x





Saturday, November 24, 2012

Love never fails.

Ang sarap ng buhay ko. Wala lahat ng mga boss. Nakakatuwa! First time to. Sulitin ang mga nakaw na sandali na magagawa mo ang gusto mo at walang kkwestyon sa ginagawa mo. wee :)

Jesus replied: "Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind." This is the first and greatest commandment. And the second is like it: "Love your neighbor as yourself." Matthew 22:37-39 


Loving Others. Loving the unlovable. 
 

1 Corinthians 13: 7
Tama ka Paulo! :)
 One of the most difficult tasks that our Father in heaven commanded us to do, Love others as we love ourselves. True, we love the people around us, we care for them, we accept and forgive, we show kindness towards the needy, we show compassion to those who need one... But when it comes to our enemies (frenemies) or the like, can we still say the same? Can we still honestly say without sarcasm and doubt the three famous words, "I love you"? I highly doubt that anyone in their right mind wouldn't agree with me that love is hard to give especially to people who are difficult and simply unloving (unlovable - if there ever is such a word) or not capable of love or to love in return. But then again, just as what's written, Love them despite of it all. Appreciate and forgive them even if what they did to you is unforgivable. In the end, we are all accountable to God, with our actions and with our lifestyle. Humans will always be humans. To err is human, to forgive is divine. For us to truly understand the fullness of His grace, we should also admit to ourselves that forgiveness is something that we should learn to give freely to others even if they don't deserve any of it. 

God is love and love is God. We are made out of love and we should reciprocate everything around us with love. We can make this world a better place to live in when only we accept the fact that love (God) can heal calloused hearts and can change stubborn minds.Just believe and have faith.
Above all else...

Just a random thought that I ought to share for the day. 

Be blessed and spread the love!

Blogged. x






Monday, November 19, 2012

Bente.

6 months. :)

Sino magaakala aabot tayo ng 6 months? Kahit ako minsan natatawa ako na kinikilig kasi I never really saw it coming. Yung ikaw at ako, magiging tayo. Tapos magcclick tayo, magkakasundo, lelevel up. We were just playful and both wanted someone who will appreciate and love us. Who wouldve thought? :) Galing talaga ni Lord.

Totoo talagang napakahirap ng magkalayo. Napakadami kong pagiinarte at negativity sa katawan. I am sorry babe kung matigas ang aking ulo at sorry na din kung ang topakin ko. Naalala ko tuloy sabi ni ate cel sakin, kapag nag-saudi ka especially nasa bundok ka pa, magiging KSP ka talaga. Hahanapin mo ang attention at time, konting hindi lang magparamdam sobrang neglected at unwanted na ang feeling. I know you dont deserve all this, im sorry for the drama and sorry for being a pain in the a** sometimes.

Just wanted to greet you a happy 6 months babe! Were surviving everyday because of His grace and because of our love.

Never felt this loved and appreciated. Thank you for everything.

Kahit ang daming testings at tampuhan, hindi ka bumitaw ever. Kahit ang difficult ko, iniintindi mo talaga ako. Pati dalaw ko, at mood swings ko tinatanggap mo. haha! I cannot thank God enough, He gave me more than I could ever ask for and hindi yun bola. I pray you never change.. But if you do, for the better pa. But i love you the way you are. No lies, no regrets, no pretensions, just pure love.

I love you to bits Juanito! Maligayang kaarawan sa ating mga puso! <3 data-blogger-escaped-br="br">

*keso overload*

Saturday, November 17, 2012

What is sleep?

Hindi pa naman to nangyayari sakin. Wag naman sana! haha!

I am working with my mind half asleep. My eyes are too tired to work. I have been in front of this computer for 7 hours now and really, kung pwede lang matulog kanina pa ko nakatulog. Walang epekto ang kape, walang epekto rin ang sangkatutak na sweets na nasa harapan ko. 

My mind is tired and quota na ko sa pagddrama. Alam kong minsan may future ako sa pag-iinarte, pero minsan hindi lang ako naiintindihan talaga ng mga tao sa paligid ko. May mga paniniwala ako na parang hindi ko alam kung tama ba o hindi, pero mali ba kung ganun ang nararamdaman ko? Hindi na ko mag-dedetail. Hindi private ang blog ko. 

Sa mga panahong tinatamaan ako ng topak at kalungkutan, wala akong ibang masabihan na maiintindihan talaga ako. Hay blogspot. Spare me from this drowsiness. I just want to sleep all day and forget I was this lonely. 

Kbye.


Friday, November 16, 2012

Cry

Ang pag-iyak ay sign na kailangan mong irelease ang nararamdaman mo sa kahit anong paraan.

Umagang umaga ang drama ko.