Saturday, November 17, 2012

What is sleep?

Hindi pa naman to nangyayari sakin. Wag naman sana! haha!

I am working with my mind half asleep. My eyes are too tired to work. I have been in front of this computer for 7 hours now and really, kung pwede lang matulog kanina pa ko nakatulog. Walang epekto ang kape, walang epekto rin ang sangkatutak na sweets na nasa harapan ko. 

My mind is tired and quota na ko sa pagddrama. Alam kong minsan may future ako sa pag-iinarte, pero minsan hindi lang ako naiintindihan talaga ng mga tao sa paligid ko. May mga paniniwala ako na parang hindi ko alam kung tama ba o hindi, pero mali ba kung ganun ang nararamdaman ko? Hindi na ko mag-dedetail. Hindi private ang blog ko. 

Sa mga panahong tinatamaan ako ng topak at kalungkutan, wala akong ibang masabihan na maiintindihan talaga ako. Hay blogspot. Spare me from this drowsiness. I just want to sleep all day and forget I was this lonely. 

Kbye.


Friday, November 16, 2012

Cry

Ang pag-iyak ay sign na kailangan mong irelease ang nararamdaman mo sa kahit anong paraan.

Umagang umaga ang drama ko.

Mahalaga.

Ang mahalaga ay importante.

Mahalaga ang oras. Mahalaga ang pag-uusap. Mahalaga ang magkasama. Mahalaga ang nagkikita. Mahalaga ang nagkakaintindihan. Mahalaga ang paninindigan. Mahalaga ang dasal. Mahalaga ang paniniwala. Mahalaga na maipadama ang pagmamahal.

Mahalaga na kasama kita. Mahalaga na nakakausap kita. Mahalaga ang oras na andyan ka. Mahalaga ang naiintindihan kita. Mahalaga ang nakikita kita. Mahalaga ang makasama kita. Mahalaga ang dasal para sating dalawa. Mahalaga na manatiling may tiwala sa isat isa. Mahalaga na maipadama na mahal kita.


Yan ang mahalaga.

Thursday, November 15, 2012

OT.

Perstaym kong nagOT sa trabaho ko. Kakaiba ang first time experience ko, sobrang napagod ako literal. Hindi ko inexpect na ganun kabusy ang araw na to. Hindi ko nga natapos lahat ng dapat gawin ko dahil ang daming utos ng mga doctors from Masters.

Narealize ko ang hirap talaga kumita ng pera. Literal. Kung sa pinas, hindi tayo papayag na alilain ng mga kasama mo sa work, dito sa Saudi mawawalan ka ng choice. Ngayon ako nakaramdam ng sobrang pagod at nafeel ko nanaman, is it worth it? Lahat ba ng to ung effort at pagpapagal maaappreciate ba nila un in the end?

Minsan talaga lulunukin natin lahat kahit ung degree at status natin just for a job. But then again, i am reminded that i am not doing this for myself alone... I am here to work and this work came from God. Whatever I do, I should do it for His glory. I will thank Him in all circumstances. Mahirap o madali, magiging masaya ako. Napapagod ako physically but i wont give up and I will stand tall until I reach my one year.

7 months to go. Tiis tiis pa Lyrize. Tiis tiis pa.


I just got home btw, kumusta ang full shift on a Thursday? Memorable day. God is teaching me everyday.

I shall doze off in a bit. Zzz

Blogged.

Saturday, November 10, 2012

Why?

Minsan talaga ang kulit ng imahinasyon ko. Ang dami-dami kong iniisip na unnecessary sa pag-unlad ng buhay ko. Masyado akong nagpapaapekto sa lahat ng nangyayari sa paligid ko. Parang hindi naman issue, issue na sakin. Hay. 

Anyways, kasalukuyang nasa trabaho at may kailangang tapusin na report at may deadline ako by Tuesday. Hindi ko alam kung matatapos ko sya, medyo mahaba ang report at hindi ko alam san ko actually sisimulan. Hmmm. Pero kaya naman, think positive nga lang lagi. Hindi magiging issue ang bigat ng trabaho. Nagpunta ako dito para magtrabaho kaya kahit anong bigat ng trabaho dapat ay tanggapin at kayanin ko. 

Bakit ka malungkot? 

Ewan, kasi naf-frustrate ako sa maraming bagay.

Bakit ka natatakot? 

Kasi ang buhay ay unfair. At alam ko na minsan na saiyo na nga nawawala pa. Walang kasiguraduhan sa mundo. Natatakot ako na maaaring mawala sakin ang mga bagay na sobrang pinapahalagahan ko.

Bakit hindi mo kayang sabihin sakanya? 

Kasi minsan mas mabuting wag sabihin kaysa makasakit. Some words are better left unsaid.


Bakit ang drama mo?

Nangangarap akong mag-artista dati pa. Baka makapasa ako sa pag-iinarte ko. Kung may BEST IN PAG-IINARTE award lang, tiyak ako ang magwawagi! Walang basagan ng trip blogspot. Kung madrama ako edi magdrama ka rin sa blog mo.
 

Bakit di ka nagta-trabaho (oy! Oras ng trabaho!)

Kasi nabusog ako sa kinain kong "stuffed squid" kaya pumepetiks muna ako. Bawal magpahinga??

Hindi naman. Bawal ka magtanong, ako lang. 

OKAY.  

Bakit ka ba naffrustrate at nag-iinarte? 

Subukan mong mag-abroad, masasagot mo tanong mo. 

Bakit kinakausap mo sarili mo?

Baliw-baliwan ang peg ko today. Masaya rin palang kausapin ang sarili at sagutin ang sarili mong tanong. Try mo minsan. :)


 Naubusan na ko ng tanong. 

Kawawa ka naman kasi ako di pa ko nauubusan ng sagot.

Tsk.