Tears has been streaking down, my eyes are literally tired and im overly exhausted. I had enough for this day. I knew I was born to be strong and to stand up for what I believe in, but then again.. Im at a place where you have no voice and you dont really have a choice.
When everything in this world fails you, the only thing that remains is the fact that we have a Living God and that His word is true. It may sound absurd to some nor may sound pretentious to others, but actually prayers can move mountains and it can change hearts. Faith is to believe in something we cant see. To hold on to something we cant feel. To listen to something we cant hear. God is everywhere and he hears, feels, sees us.
I am starting to dislike my job in all aspects. I am feeling estranged and unhappy, but i asked God for this work and i will not give up just because I feel tired and people around me discourages me. I have a purpose on why I am here and I will hold on to God's promises that there will be better days.
Better days. Looking forward for better days. Looking forward to that DAY. That day when I can see you and hold you once again. To see my family, to see the people I love the most.
I trust in You Father, I believe that I can get through this with Your guidance and help.
When all else fails... There's always your family, friends, your partner, and ofcourse God.
Good night blogspot. Dont let the bed bugs bite.
""Do not judge, and you will not be judged. Do not condemn, and you will not be condemned. Forgive, and you will be forgiven. Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you."
Luke 6:37-38
We also boast of our troubles, because we know that trouble produces endurance, endurance brings God's approval and His approval creates hope. Romans 5:4-5
Monday, October 15, 2012
Thursday, August 30, 2012
Kapsalung-anity!
Zieggyput and Leelyput
![]() |
| We are family :) |
Si Ziegrey Oris Balota, 25, taga-Muntinlupa City, kasalukuyang nagtatrabaho sa Ann Arbor Montessori Learning Center, may tatlong anak, diborsyado, at humaharap sa kaso ng pangunguha ng mga damit na nakasampay sa kanilang kapitbahay sa kadahilanang hindi maipaliwanag. Kapag nakita niyo po itong mukhang ito, makipag-bigay alam lang po sa kinauukulan. Ang sino man na makapagsasabi kung saan nagtatago ang taong ito ay may matatanggap na gantimpala. 50,000 pesos para sa ulo ng lalaki sa larawan. Tumawag sa 0917-********.
****************************************
Isang malaking CHOS! Hehehe! Happy birthday mahal kong kapsa! :) Namiss ko na ang kulitan blues natin at ang tawanang wagas na wagas na kung makatawa eh akala mo katapusan na ng mundo. haha! Dahil birthday mo, ikaw naman ang aalayan ko ng pahina sa aking blog. Nararapat lamang na ikaw ang parangalan ng Blogspotter of the Year sa dami ng views mo sa iyong blog. Ikaw na talaga! hehe! Akalain mong ang dami mong readers! Congratulations sayo kapatid, isa ka ngang ganap na manunulat. Sa susunod, collab tayo ni Babe at gumawa tayo ng libro. Ang saya siguro nun hehe. Tapos siyempre, dahil mahal mo naman kami ni Juanito, yung kikitain natin, itulong mo nalang sa amin dahil alam mo na mahirap ang buhay, lalo na kung bubuo ng pamilya kaya kakailanganin ng anda! Mayaman ka naman, ipaubaya mo na sa amin yun. hehehe!
![]() |
| Ganto kaming magkapatid :) *Najejebs pose* hehe! |
Para Sayo Kaps,
On a more serious note, nilolook forward ko talaga ang birthday mo dahil gusto ko talaga gumawa ng blog para saiyo. Hindi ko parin makalimutan ang blog na sinulat mo para sa aking kaarawan this year, naiyak talaga ako nun kasi iba parin ang pakiramdam na malaman mo na mahalaga ka sa ibang tao at naaappreciate nila ang mga ginagawa mo para sa kanila. Kaya kaps, dahil araw mo ngayon, hayaan mo na ako naman ang magbalik sayo ng mga magaganda at di masyadong magagandang experiences natin as magkaibigan, magkaribal (ALAM NA ALAM MO YAN! HAHA!), at higit sa lahat as magkapatid. :)
Si Zieggy bilang isang Guro
![]() |
| Tito Boy, Mr. Fu, Sir Chris at Ms. Ly :) |
Sir Zieg! Yan ang kilalang tawag kay Sir Ziegrey Balota. Magkasama kami sa isang Department, English teacher sya sa grade school habang ako naman sa high school. Hinding hindi ko pa rin malilimutan yung demo teaching ko, sila ni Mr. Fu (Andrewkelya) ang nanood at nag-observe. Ay sabi sayo kaps, grabe ang kaba ko nun. haha! Siyempre, alam ko naman na mga beterano na kayo (naks!) at ako ay isang hamak na baguhan lamang. Malay ko ba naman sa pagtuturo ng English (eh Phil Stud ako), to think na high school pa hawak ko noon. Pero ayun nga, nasurvive ko naman ang isang taon at masasabi kong iyon pa rin ang pinaka-masayang working environment ko sa loob ng 4 years na nagtatrabaho ako. Fulfilling kasi sa pakiramdam na may naiimpart ka na knowledge sa ibang tao. Tunay ngang ang pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon, ito ay isang bokasyon. Kahit hindi kataasan ang sweldo, andun ung passion, andun ung kagustuhan ng isang guro na magampanan ang kanyang role sa buhay ng kanyang mga estudyante.
Sa isang taon na nakasama ko siya sa AAM, alam ko naman at naniniwala ako na mahusay na guro si Ziegrey, mayroon lang issue sa kanyang "temper". Haha! Pero kung pagalingan lang sa pagsasalita ng wikang Ingles, eh hindi naman papakabog ang lolo mo. Kung maka-emcee to wagas din. Mahal na mahal din siya ng kanyang mga chikiting kasi lovable naman tlaga sya. Alam ko kaps na marami ka pang pagdadaanan sa napili mong propesyon, pero sabi nga, "no pain no gain"... Mahirap, stressful at katakot-takot na frustrations ang haharapin mo, pero laging tandaan na, You are born to change lives and to make their lives better with every knowledge and wisdom that you instill in their minds. Wag mong kakalimutan ang dahilan kung bakit ka nagtuturo, lagi mo silang ituring like your own, and I know that you will go a long way sa iyong chosen career. Kahit saan ka pa man mapuntang school, we will always be friends and colleagues. Hindi natatapos sa AAM yan. At alam mo yan! :)
Si Zieggy bilang isang Anak at kapatid
![]() |
| Si kuya Bong!!! |
Isa lang ang masasabi ko tungkol sa aspetong ito, si Ziegrey ay isang mapagmahal na anak at kapatid. Nakikita ko ang efforts mo sa iyong family at alam ko kung gaano mo sila kamahal. Hindi lahat nakikita ung mga pinagdaanan mo this past few years pero isa ako sa mga taong pinagkatiwalaan mo sa mga problema mo na hinarap with your family. I know that sometimes nakakapagod na, na minsan gusto mo rin ng sarili mong buhay, pero lagi mong tatandaan na without your family, wala rin tayo sa mundong ito. Whatever trials that you are facing right now, I always pray na malagpasan mo iyan. Dasalan mo lang ng bonggang bongga yan kaps. At kapag hindi mo na kaya, andito naman ako, kami ng mga kaibigan at mahal mo sa buhay para saluhin ka at makinig. Hindi tayo masyadong nakakapag-usap lately, pero naalala ko pa ang mga text exchanges natin at alam kong may dinadala ka. Your family will always be your family kaps. Just stick together, and nothing could ever go wrong. Trust me kaps!
Si Zieggy bilang isang "life of the party"
![]() |
| Anong kwento sa likod ng larawan na ito? hehe! |
Hindi naman maipagkakaila na sobrang masiyahin nitong kaibigan kong to. Pwera lang pag umeemote, nuknukan naman ng tahimik kapag may dinadala. Kapag magkakasama kami, eh baliw-baliwan naman ang peg namin! Masasabi ko talaga na masaya kami kapag magkakasama. Yung tipong mga problema at mga stress ay nakakalimutan dahil ang sarap tumawa at makipagkulitan. :)
![]() |
| Harot!!! |
Ganto kami ni Zieg, sa sobrang close namin okay ng maging maharot. Isa si zieg sa mga kaibigan kong lalaki na mayayakap ko, mayayapos ko ng walang malisya. Yung tipong makakabiruan mo sa lahat ng bagay at hindi siya mapipikon kasi makikipag-asaran din siya in return. hehe! Naaalala mo ba kaps ang mga harutan moments natin sa ATC? Specifically tong picture na nasa kanan? Yung hindi tayo maintindihan ng mga tao kasi nga bonded na tayo at sa atin normal na yung mga ganun. :) Namimiss ko kapag kinukulit kita at naiinis ka kasi ang kulit kulit ko. hehe! Yung mga inside jokes natin na tayo lang nagkakaintindihan. Yung mga kodakan moments natin at mga tawanan at biruan na nakakapagpagaan ng loob ko kapag ako ay nalulungkot at nasstress. Yan si Tito Bhoy, ang aking masayahing kapatid. :)
Si Zieggy kapag nagmahal...
Ay naku! Bukingan time na kaps. haha! Humanda kaaaaa! :))Usapang puso naman tayo. Paano nga ba magmahal ang isang Ziegrey Balota? Hay naku! Kung magmahal akala mo babae! Emoterong emotero. Masyadong emotional, iyakin, at higit sa lahat, hindi niya pinapaalam sa taong mahal niya na mahal niya ito!! AMININ!!! hehe! Aabot pa yan sa point na, magloloka-lokahan, iiyak nalang bigla tapos hindi sasabihin ang dahilan. Yun pala eh umeemote dahil sa kaniyang iniirog. Hmmm... Ang kapatid kong ito ay hindi pa nagkakaroon ng kasintahan, pero kung makapag-advice ito patungkol sa pag-ibig akala mo nakapag-asawa na! HAHA! Pero, infernez sayo kapsalung, mahusay ka mag-advice pagdating sa love. Kumbaga, isa ka sa mga taong tatakbuhan ko talaga pag ang problema ko ay matters of the heart. ALAM MO RIN YAN! Parang experienced adviser lang. hehe! Kidding aside, kapag nagmahal siya, subtle, hindi niya pinapangalandakan sa buong mundo na "Hoy, eto yung gusto ko..." bagkus uma-under the table ang lolo mo. Dadaan ka nya sa pa-GM GM kunwari, pa-biro biro, papatawanin ka, bibigyan ka ng "pagkain" EHEM!, at isusulat ka niya sa blog niya. Lahat ng gustong gawin ng mahal niya, gagawin din niya, masabi lang! hehe. Ganyan siya magmahal, all out... sa sarili niyang pamamaraan. Halos lahat ng nagustuhan niya kilala ko, pero hindi na ko magdrop names (mahirap na baka burahin mo bigla tong blog ko para sayo hehe!). Naaappreciate ko na ako ung pinaka-unang tao na sinabihan mo about kay "ardee". Thank you for trusting me and for seeking my advice from time to time. Alam mong medyo may ka-eng-engan ako pagdating sa pag-ibig pero nagtitiwala ka parin sa aking mga sasabihin. HEHE! Nangangarap ako at nagdadasal na ito na to para samin ng dude mo, ipagdasal mo din kami. At siyempre ipagdadasal ka din namin na mahanap mo na SIYA. Ang taong kukumpleto ng iyong puso at ng iyong buhay. Wag kang maiinip kaps, true love waits. It has perfect timing!! Wag ka din mapapagod na magmahal, dahil maswerte ang taong iyon, kapag siya ay minahal ng isang Ziegrey Balota. :) Si Zieggy bilang isang matalik na kaibigan
![]() |
| Tambalang tito Bhoy at Mr. Fu! |
![]() |
| with BFF Imee |
Okay, so tapos na tayo sa love, sa friendship naman. Eto na ata ang pinaka-mahabang blog post na nagawa ko kaps, effort kung effort ha! Mahilig ka kasi sa mahahabang blog, magpapatalo ba naman ako?? hehe! Anyway, si Zieg bilang isang matalik na kaibigan. Makikita niyo naman sa magkabilang dulo ang larawan ni Zieg at ng mga BFF niya. Si Andrewkelya, na kasama din sa aming barkadahan... At si Imee na college friend niya, na sana mameet ko rin! Palagi niyang kinekwento sakin.
![]() |
| Dude and Kaps :) |
Naniniwala ako sa kasabihang "Tell me who you're friends are and I'll tell you who you are". Kaya kung tatanungin ako kung anong klaseng kaibigan tong si Zieg, simple lang, he's a friend in need and a friend indeed. Yung tipong will catch a bullet for at yung tipong kaibigan mo hanggang sa dulo ng walang hanggan. Oo, eksaherada yan, kasi eksaherada din naman tong si Ziegrey pagdating sa kanyang mga kaibigan. Napaka-possessive niyan! Haha! Seloso pagdating sa friends kasi nga marunong siyang magpahalaga ng kanyang mga kaibigan. Bibihira lang talaga ang mga kaibigan na hindi ka iiwan sa ere. Yung iba andyan lang pag may kailangan, yung iba lumipas lang ang era ng friendship, yung iba naman parang kabote na lulubog lilitaw. Kaya naniniwala ako na blessed ako with few but loyal and trust worthy friends. At isa si Ziegrey doon. Salamat kaps!
Kapsanity, Kapsa, Kapsaloid, Kapsalung, Kapski, atbp. :)
Paano ba nagsimula ang evolution ng salitang KAPATID??? Kami ng kapatid ko na to ay mahilig mag-experiment sa words. Kumbaga gumagawa kami ng bagong salita o kaya ineevolve namin ang salita into something more catchy at funny. hehe! Paramihan kami ng maiisip na kakaibang salita hanggang sa sumuko na kami dahil naubusan na ng bala. hehe! So ayun nga, ang dating simpleng KAPS ay nag-evolve na sa iba't ibang tawagan na ang nais lang naman itumbok ay ang salitang KAPATID.
![]() |
| Sorry na kaps! haha! |
![]() |
| Skyping with you! |
![]() |
| First SB date with you! :) |
Teacherrifics and Zieggy
![]() |
| Kapatiran :) |
![]() | |
| Krispy CREAM! HEHE! |
Nabanggit ko na kanina ang aming samahan, kami ang Teacherrrifiicss. We are teachers but we are also good friends. Mahilig kaming kumain, manood ng movie, at magkape. Namimiss ko na ang barkada at masaya ako na nakahanap ako ng mga kaibigan na kagaya nila. Kung ikaw ay may problema kaps, alam mo na kung sinong tatakbuhan mo ha? Hindi lang ako, marami kami. Tingin ka lang sa larawan sa itaas at iyan ang mga mukhang maaasahan mo sa lahat ng oras. Mapunta man tayo sa iba't ibang lugar o iba't ibang trabaho, alam ko na yung samahan natin hindi na yun matitibag. Matibay at maaasahan mo sa lahat ng panahon. Friendship that will stand the test of time. :)
Tuesdays with Zieggy
![]() |
| Anong ginawa mo sa aso ko? hehe! |
Medyo pagod na ang kamay ko sa kakatipa, bakit ba naman kasi ang dami kong gustong isulat. HAHA! Pero last na to, eto na talaga. Isa sa mga memorable na bonding moments natin nung nasa Pinas pa ako ang Tuesdates natin. Eto ung mga oras na nagtatampo ka na talaga kasi umaasa ka na magkakatime tayo together pero siyempre, dahil bago palang kami ni Babe, medyo nabawasan ang ating bonding time. Nagsorry na ko sayo sa aspetong yan, alam mo naman na special ka for me and I will always try to find time for you. :) So to make up on lost time, nabuo ang Tuesdays with Zieggy.
![]() |
| Tuesday group! :) |
Kapatid till we grow old :)
Ayan, finally! Last na! Gusto ko lang sabihin na mahal kita kaps bilang isang kapatid at kaibigan. You have been very good to me this past years kahit maldita ako at prangka. Nakikinig ka sa mga pag-iinarte ko, at tinyaga mong pakinggan ako nung heart broken ako na para akong sirang plaka. Sinamahan mko sa mga trip ko na gala at nililibre mo ko palagi. Kayo ni Juanito ang pinaka-malapit sa akin at pag nawala ang isa sa inyo, ewan ko nalang talaga. hehe! Nawa'y sa iyong kaarawan ay maligaya ka. Yung GENUINE happiness na kahit wala kang lablyf eh masaya ka. 25 ka na, dapat medyo nagmamature na tayo sa mga decisions kaps. Mging sa mga gastos at mga gala. I just pray that God will grant the desires of your heart, and kung ano man yung pinagdadasal mo ngayon, lahat iyon ay matupad in His perfect time.
Malungkot na wala ako dyan sa kaarawan mo, babawi nalang ako next year sa inyo ni Juanito. Wag ka na magtatampo ha, ang haba na nitong blog ko. Sumakit kamay ko sa kkatype! hehe! Pero ganyan kita kalove at gusto kitang isurprise kahit sa gantong paraan lang. Thank you for being the best kapatid, and I know na wala man tayong labels as best friend, I know that you will always be one of the few na sasaluhin ako sa lahat ng oras at sa mga oras na nangangailangan ako at ganun din ako sayo, PROMISE.
Happy Happy 25th Birthday Zieggy! More blessed and fruitful years to come. Cheers to you and cheers to our friendship like no other. Toodles! Xoxo. <3
![]() |
| Tambalang Lilyput at Zieggyput |
Wednesday, August 22, 2012
2 months in the desert!
Malapit na kong mag-dalawang buwan sa Gitnang Silangan bilang isang ganap na OFW, haha! Nakakaaliw isipin na tunay ngang kay bilis ng araw at ng oras. Siguro nga kung marami kang ginagawa talaga, hindi na napapansin na lumilipas nalang ang araw.. Mas pabor sakin 'yun, ibig sabihin sampung buwan nalang at uuwi na ko. Yes!! Haha!
Realizations/Natutunan/Naobserbahan sa dalawang buwang pananalagi sa bundok:
1. Ang hirap maging independent. Palagi kong iniisip dati na ang saya siguro kung ako na ang may hawak ng buhay ko, kung ako na lahat ang kumikilos sa bahay, kung ako nalang ang nagggrocery, naglilinis, naglalaba, atbp. Pero ngayong solo nako at may sarili ng buhay sa bundok, mahirap din pala talaga. Pinagpala pa nga ako kasi andito ang aking ina para umagapay sakin at tulungan ako kapag may mga pangangailangan ako. Naisip ko, paano yung iba na walang kapamilya at mag-isa? Malungkot at mahirap. Challenge ang bawat araw na alam mong kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong paa. Pero rewarding din at the same time kasi alam mong kahit nahihirapan ka, natututo ka parin in the long run. Sabi nga, Nothing worth having comes easy. Pinaghihirapan ang lahat ng bagay. Mas masaya sa pakiramdam na alam mong nakamit mo ang isang bagay dahil pinaghirapan mo ito. Kaya kahit mahirap, andun parin ang saya at ang patuloy na pasasalamat sa Kanya sa patuloy na paggabay sakin sa bundok. :)
2. Pakikisama. Kasama sa pagiging independent ang pakikisama sa mga tao sa paligid mo. No man is an island, sabi nga nila. Lalo na't ang layo namin sa sibilisasyon, mahalaga ang marunong at matutong makisama sa mga kasama sa bahay at trabaho. Hindi pwedeng magmaldita at hindi rin pwedeng magmarunong kung ayaw mapaaway at mapag-tsismisan! Hehe! Ako ay blessed dahil ang mga kasama ko sa trabaho ay mababait sakin maging ang mga kasama ko sa bahay higit ang aking room mate na si ate Luz. Pero ayun nga, kapag nasa ibayong lugar, mahlaga sa atin na dapat marunong tayong makibagay, maki-adapt at manatiling mapagkumbaba at palangiti sa ating kapwa. Kahit di mo kilala, ngiti lang. Bawal ang snob lalo na't bago pa lamang.
3. Sacrifice. Kapag napunta ng Gitnang Silangan, marami tayong isasakripisyo. Dapat handang magtiis at handang magsakripisyo. Maraming bagay ang hindi magagawa ng mga normal na tao dito sa Jeddah at kailangan matibay ang loob at matutong labanan ang homesickness. Noong nakaraang linggo, naging matindi ang epekto ng homesickness sa akin at walang araw na di ako umiiyak o nalulungkot. Namimiss ko ang buhay ko sa Pinas, ang aking pamilya, mga kaibigan, at si Yuan. Maging ang mga alaga kong sina Hatchi at Patchi ay miss na miss ko. Umabot sa puntong kapag kachat ko sila, unti-unting nalilingid ang mga luha ko at sumasagi sa isipan kong "gusto ko ng umuwi". Ang hirap pala talaga kapag ikaw ang malayo. Akala ko dati madali lang, pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, ang bigat pala sa loob. Pero hindi ako nagpatalo sa emosyon, at narealize kong kailangan kong maging matatag. It naman ay aking nalagpasan bungad narin ng matinding pananalangin at constant na pakikipag-usap sa mga taong mahal ko sa Pinas.
4. Absence makes the heart grow fonder. Hindi magiging hadlang ang distansya sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan. Kahit ang layo ko kay Yuan damang dama ko ang nag-uumapaw niyang pagmamahal. Yung tipong gigising ka sa umaga at nararamdaman mo ang pagmamahal. Yung ang dami mong kilig at ngiti kahit simpleng message lang naman ang natatanggap mo mula sakanya. Ang sarap palang magmahal kung alam mong ganun din yung love na sinusukli sayo ng taong mahal mo. Hindi to bola, hindi rin to kwentong barbero lang, alam ko at nararamdaman ko siya kahit milya milya ang layo ko sakanya. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigay siya sakin. Alam kong magiging challenge ang isang taong magkalayo pero alam kong kayang kaya namin ito at malalagpasan namin ito ng sabay, basta kapit lang at magtiwala sa isa't isa at sa Diyos.
5. Paano na kaya kung walang internet? Seryoso, naiisip ko yan. Haha! Kung wala siguro internet ang lungkot lungkot ng buhay sa ibang bansa. Maraming salamat sa technology dahil parang ang lapit ko kahit ang layo ko naman talaga. Ito ang nagsisilbing koneksyon ko sa mundo at lubos akong nagagalak dahil nabuhay ako sa henerasyong ito kung saan ang bilis at ang daming paraan ng pakikipag-usap sa mga taong mahal mo kahit na ako'y nasa ibang bansa.
Tatapusin ko ang blog na ito sa isang panalangin ng pasasalamat sa Kanyang gabay at kabutihan sa aking dalawang buwang pamamalagi dito sa Jeddah:
Ama,
Una po sa lahat ako po ay nagpapasalamat sa Inyong patuloy na paggabay sa akin at sa aking mga mahal sa buhay. Tunay nga pong mahirap at madaming pagsubok na darating sakin dito pero alam ko po na hindi nyo po ako iiwan o pababayaan. Hinihiling ko po ang inyong gabay at patnubay, ang karunungan na nanggagaling sa inyo at ang pusong matutong magtiis at maghintay. Marami pa po akong kailangang matutunan, gabayan niyo po ako na nawa'y ang lahat ng desisyon ko ay naaayon sa inyong kagustuhan at salita. Kayo na po ang patuloy na gumabay sa aking relasyon, sa aking pamilya, at sa lahat ng mahal ko sa buhay. Alam ko pong walang imposible sa inyo. Salamat Panginoon, mahal ko po kayo.
Amen.
Thank You Lord. I love you. :)
Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa aking blog. Kahit hindi ako madalas magsulat may nagbabasa parin. Hehe! 5,000 views!!! God bless!!
Amen.
Thank You Lord. I love you. :)
Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa aking blog. Kahit hindi ako madalas magsulat may nagbabasa parin. Hehe! 5,000 views!!! God bless!!
Sunday, July 1, 2012
It's 1 and I must do this alone.
The Chronicles of
being a Jeddahn Citizen
Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay, eto ang kwento ng aking buhay. :)
It’s 1 and I must
do this alone – GROCERY and ERRANDS.
Nag-sisink in na talaga sa akin everytime uuwi ako ng bahay
ko na mag-isa na talaga ako. Not literally mag-isa as in walang kasama, pero
alam mo ung feeling na wala kang family sa tabi mo na pwede mong hingan ng
tulong o pwede mong takbuhan pag nagkaproblema ka. I am blessed to have a very
loving and helpful roommate sa katauhan ni Ate Luz, wala akong masabi kasi
tlagang mabait talaga pero iba parin ang family. Iba parin ung feeling na
malapit lang sila. And honestly, ngayon ko narealize na ang hirap pala maging
independent.
Yes, in all fairness, sa almost one week ko na dito sa bundok,
ang daming bagay na ako lang ang gagawa at walang ibang gagawa para sakin.
Household chores, groceries, even pagluto ng sarili kong pagkain kung ayaw kong
mamatay sa gutom. Alam kong madami pang challenges ako na hharapin for the next
12 months and I am really ready to face it. I know that this is what I need for
me to mature more as a person and as a professional. Hindi ako pwedeng umasa sa
parents ko panghabang buhay. And this is the start… I have to do these things,
and I have to do it ALONE.
It’s 1 and I must
do this alone – KAPE.
Bilang nakasanayang ritual naming magkakaibigan (Rach, Syd,
Rhayks, & me), every 1st of the month kami ay nagtitipon-tipon
(tipon-tipon tlaga?? Haha) para magkape sa paborito naming kapehan.. Ang
Starbucks. Last year, nakumpleto ko lahat. Ngayong taon, marami-rami akong
namiss dahil pahirapan ang Starbucks sa Gitnang Silangan. Hindi kagaya sa Pinas
na para itong kabote kung saan saan sumusulpot.
Anyway, sa di pinlanong pagkakataon, ako ay nag-mall kagabi
dahil may kailangan akong bilin, at ang nakakatuwa dun ung mall na pinuntahan
ko may Starbuko! At exactly 8pm JED time (1am MNL time), nagkape ako habang
kausap ko sa kabilang linya ang aking habibi. Nakakaaliw, first starbucks ko sa
JED na mag-isa ako. As in, mag-isa talaga. Nafeel ko ang pangungulila pero ako
ay masaya na andyan si Babe para libangin ako habang naghihintay ng oras pauwi.
Nakakatuwa na 3 straight months nakapag-kape ako, pero nakakamiss… Narealize
kong mas masarap magkape pag may kasalo ka, katawanan ka, kausap ka na nasa
harap mo tlaga. Oh well, madami-dami pang ganto ang pagdadaanan ko. I have to
be strong and I have to get use to this.
Ngayong July, nagkape sila sa may harvard square (according to Juanito) at syempre, siya ang proxy ko. I hope you guys had fun. I miss you all so much and my heart is so jet lagged. Alam nyo yan. Haist!
Ngayong July, nagkape sila sa may harvard square (according to Juanito) at syempre, siya ang proxy ko. I hope you guys had fun. I miss you all so much and my heart is so jet lagged. Alam nyo yan. Haist!
It’s 1 and I must do this alone – WORK.
![]() |
| Ang aking work station. :) Spot ze picture. To make me smile. :) |
Hanep mag-utos ang bossing ko. Agad agad. PBB TEENS nga!
Hindi pa tapos ang isang trabaho, may kasunod na agad. Naaliw ata sakin kasi
mabilis daw ako magtrabaho. Take note: EFFICIENT daw. Hehe! I play hard but I
work harder. Pag joke time makulit ako, pero seryoso ako pag trabaho na.
Ayokong nasisilip ako pagdating sa efficiency. Kailangan accurate, efficient,
and on time. Yan ang aking goal. NAKS! Hehe!
Nakakatawa kasi namiss kong magtrabaho, nmiss kong mangarag
at namiss ko din ung feeling na may pinagkakaabalahan ako. Infernez sa trabaho
ko, kahit may mga oras na busy ako, nakakasingit parin ako ng time para sa
sarili ko kagaya ngayon. Hehe! Bumablog spot habang gumagawa ng schedule. Anyway,
naisipan ko lang naman magblog. Wala kasing mapaglabasan ng mga angst ko sa
buhay eh.
May sa kung anong bumabagabag sa akin pero hindi ko un
ineentertain. Ayoko ng negative thoughts. Gusto ko positive, dapat POSITIVE
lang.
Anyways, ang haba nanaman nito. Kung makapagsulat ako wagas,
baka makita ng boss ko mga pinagggagawa ko. Hehe! Happy 1 everyone! July, please be nice to me. :)
NOTE FOR YU:
I miss you and alam mo yan. Lagi kitang iniisip. Mahal kita.
Thank you for reading!
Be blessed and be a blessing!
Wednesday, June 27, 2012
The Chronicles of being a Jeddahn Citizen
It’s work work work now.
2nd day in Jeddah. June 27, 2012, 2:21 pm. Here in
my office (naks! Doing nothing just blogging.)
Kakaiba ang pakiramdam na andito na ulit ako sa lugar na ito.
Di ko maexplain kung nahohomesick ba ako o sadyang nasanay lang ako sa Pinas
kaya hinahanap hanap ko ung ingay ng mga tricycle, tahol ng mga aso (especially
ni hatchi hehe), sigawan ng mga batang naglalaro sa labas, tunog ng jeepney,
polusyon ng Maynila at Alabang-Zapote road… at higit sa lahat ang mga boses,
tawa at hagikgik ng mga taong mahal ko.
Hay, ayoko maging emotional noh, kasi parang lagi naman akong
bumabalik ng Jeddah at dito narin ako lumaki.. pero di ko rin maexplain bakit
extra special ang pagbalik ko na to. Ang pag-alis ko nung June 25 ang isa sa
pinaka-emotional na pag-alis ko ng Pinas (at sabi nga ng tatay ko, ngayon lang
daw niya ko nakitang umiyak ng ganun), buong biyahe ko ata pabalik iniyak ko
lang ng iniyak. Haha! Siguro kasi for the past few weeks na lumipas, di ko
iniisip na aalis ako, kaya nung eto na, paalis na ko, nagbreak down na ko. The
hardest part of leaving is not the act itself, but seeing the people you love
and knowing that you will not see those faces for a very long time again.
Oo may skype, viber, facebook, ym, twitter, facetime, atbp.
Pero ung physically mo sila makikita, iba talaga. Iba parin yung andyan ka lang
at pwede mo silang mayakap at any time of the day. Kahit ung mga aso ko
namimiss ko… si Hatchi and si Patchi aka Pacquiao and Bradley. Hehe! Lakas kasi
magharutan nung dalawa, walang ginawa kundi magkagatan at mag-away.
Nakakamiss!!! Kahit madalas akong awayin ni Hatchi, pag kinikiss niya ko
namimiss ko yun. Kahit ung simpleng excited na excited silang dalawa pag
nakikita ka nila nakakamiss! L Oh well, this is life. Life of being an OFW. Hindi
nga madali ang buhay OFW. Akala ko dati basta ako may allowance galing kina
mommy ayos na, di ko alam na mahirap pala tlaga pag ikaw na ang nasa ibang
bansa at malayo sa lahat ng taong mahal mo. Yung feeling na, 365 days ang
bibilangin ko bago ulit ako makauwi at bago ko ulit sila makasama. Grabe. 2
days palang to ah, pano kaya pag 2 months na.. nabaliw na siguro ako. Hehe!
(Joke lang po. Strong kaya to, kasama ko si God and I know di Niya ko
pababayaan. :))
Anyway, bukod sa emotional rollercoaster ride ko for the last
2 days, gusto ko tlaga mag-blog kasi hindi ko rin alam kung ano ang magiging
outlet ko para irelease ang emotions ko. I’ve always been good in hiding my
true emotions, pero minsan may hangganan din ako sa pagtatago. Hindi ko
mapigilan ung maiyak at malungkot. I’ve been here in Jeddah for like forever
but I really miss home and I really miss YOU. Simple and random things that we
do, namimiss ko. If only there’s a way for us to be together again, gagawin ko.
At alam kong ganun ka din. But for now, all we can do is wait… and wait
patiently upon the Lord for His perfect time na magkasama ulit tayo.
Distance should never be a hindrance…
Naniniwala ako na hindi ito dapat maging issue. Na kung tunay
kayong nagmamahalan, hindi magiging hadlang ang di kayo nagkikita kasi sabi nga
“absence makes the heart grow fonder” and “love develops through time”. Love
goes hand in hand with trust, and sabi nga ng mabuti kong kaibigan na si
Ziegrey, love is just an icing in the cake; mahalaga ang trust. TIWALA sa isa’t
isa na kakayanin niyo ang lahat ng bagay kahit magkalayo kayo. Alam ko babe,
mahirap, pero trust me and trust God that He can do great and mighty things for
us and our relationship. I know that were just starting, but we started out as
good friends and I know yung foundation na yun hindi madaling matitinag. Just
trust me when I say that I will wait and hindi ko hahayaan na masira yun habang
magkalayo tayo.
This will test us on how far can we go and how far can we
sacrifice a lot of things for the sake of us to stay together. Yes, mag-aaway
tayo, yes, there will be temptations, but if we will not allow ourselves to be
tempted and to let pride get in the way, we can survive this one year na masaya
parin tayo and going stronger as ever.
Ewan ko, positive kasi ako, alam kong blessing tong
relationship na to from GOD. I did not ask God to give me someone to love, but
He knew what we both need and He knew that we need each other. But we can’t be
dependent on each other kaya kailangan maghiwalay – PANSAMANTALA. J Kung ang kapalit naman nito ay
magandang future diba?
This is just the beginning babe. Maraming marami pang
mangyayari but let’s keep holding on and let’s keep praying together. Sabi mo
nga, prayers can move mountains and it can even bring us closer without us even
knowing it. I love you babe, words will never be enough.
I miss you everyday and I want you to know that I’m
not going anywhere. We’ll pass this through TOGETHER. J I love you and
I miss you. Be strong okay?
Be on
your guard; stand firm in faith; be men of courage, be strong.
-
1 Corinthians 16:13
Thanks for
reading! Be blessed and be a blessing!
P.S. Takas mode sa office. salamat at pwedeng mag-blog spot pampatanggal bagot. hehe!
Subscribe to:
Posts (Atom)





















