Saturday, November 10, 2012

Why?

Minsan talaga ang kulit ng imahinasyon ko. Ang dami-dami kong iniisip na unnecessary sa pag-unlad ng buhay ko. Masyado akong nagpapaapekto sa lahat ng nangyayari sa paligid ko. Parang hindi naman issue, issue na sakin. Hay. 

Anyways, kasalukuyang nasa trabaho at may kailangang tapusin na report at may deadline ako by Tuesday. Hindi ko alam kung matatapos ko sya, medyo mahaba ang report at hindi ko alam san ko actually sisimulan. Hmmm. Pero kaya naman, think positive nga lang lagi. Hindi magiging issue ang bigat ng trabaho. Nagpunta ako dito para magtrabaho kaya kahit anong bigat ng trabaho dapat ay tanggapin at kayanin ko. 

Bakit ka malungkot? 

Ewan, kasi naf-frustrate ako sa maraming bagay.

Bakit ka natatakot? 

Kasi ang buhay ay unfair. At alam ko na minsan na saiyo na nga nawawala pa. Walang kasiguraduhan sa mundo. Natatakot ako na maaaring mawala sakin ang mga bagay na sobrang pinapahalagahan ko.

Bakit hindi mo kayang sabihin sakanya? 

Kasi minsan mas mabuting wag sabihin kaysa makasakit. Some words are better left unsaid.


Bakit ang drama mo?

Nangangarap akong mag-artista dati pa. Baka makapasa ako sa pag-iinarte ko. Kung may BEST IN PAG-IINARTE award lang, tiyak ako ang magwawagi! Walang basagan ng trip blogspot. Kung madrama ako edi magdrama ka rin sa blog mo.
 

Bakit di ka nagta-trabaho (oy! Oras ng trabaho!)

Kasi nabusog ako sa kinain kong "stuffed squid" kaya pumepetiks muna ako. Bawal magpahinga??

Hindi naman. Bawal ka magtanong, ako lang. 

OKAY.  

Bakit ka ba naffrustrate at nag-iinarte? 

Subukan mong mag-abroad, masasagot mo tanong mo. 

Bakit kinakausap mo sarili mo?

Baliw-baliwan ang peg ko today. Masaya rin palang kausapin ang sarili at sagutin ang sarili mong tanong. Try mo minsan. :)


 Naubusan na ko ng tanong. 

Kawawa ka naman kasi ako di pa ko nauubusan ng sagot.

Tsk.


No comments:

Post a Comment