Sunday, November 4, 2012

40.

Sa mga oras na wala akong ginagawa, doon ako ginaganahang magsulat. May bago akong goal, maka-40 blogs bago matapos ang buwan na ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko yun sapagkat ako ay isang dakilang tamad pagdating sa pagsusulat. Hindi ako yung tipong, "spur of the moment" may naisulat na. Kailangan may pinagdadaanan ako o usually, kailangan nasa mood.

Namimiss na kita. Minsan ang daling sabihin ang mga bagay-bagay. Ung mga salitang ang daling bitawan kapag tina-type sa keyboard o sinasabi over the phone.. Ang daling sabihin na mahal mo yung tao, miss mo na yung tao, gagawin mo lahat para sakanya kahit ung mga salitang di mo siya sasaktan. Pero alam naman natin ang masaklap na katotohanan sa likod ng mga ito, ang realidad ay kahit gaano mo kamahal ang isang tao, darating sa point na magkakasakitan kayo. Ang dating matamis, tatabang. Ang dating buong tiwala, unti-unting mauubos hanggang sa walang matira.

Hindi ko alam kung paano ko ba maipaparamdam sa kanya na mahal ko talaga siya at gusto kong magwork kung ano man ang meron kami ngayon. Hindi hanggang salita lang, hindi hanggang pangarap lang. Ang sarap sana ng pakiramdam na maiparamdam ko sakanya yun ng nahahawakan ko siya at nakikita ko siya ng harapan. Sabi nga niya sakin, ang daling sabihin pero yung maparamdam mo sa tao kung gaano sya kahalaga.. ibang usapan na yun. Sana sa kahit maliliit na paraan, kahit di kami magkasama napaparamdam namin iyon sa isa't isa.  

Ang tagal na panahon na akala ko wala ng ibang tao na darating sa buhay ko. Pero sabi nga ni ate efi, the best is yet to come. Sa mga oras na akala mo wala ng pag-asa, biglang may darating sa buhay mo at ipaparamdam sayo na meron pa. Kinikilig ako pag naiisip ko paano naging kami, kasi ni sa hinagap talaga hindi ko nakita na magiging kami. Close kami sa level na magkaibigan, pero bilang magka-ibigan, unexpected talaga. hehe! Nakakatuwa :) Di ko nga naisip na magkakasundo kami, kasi sa ugali naming magkaiba parang imposibleng mag-work out. But God has a different plan for us, and that is for us to be together (though not physically), tinuturuan kami maging patient and strong at matutong magmahal ng naghihintay dahil mas masarap anihin ang pinaghirapan kaysa binigay lamang sayo ng walang ka-effort effort. 

Nasaktan siya, nasaktan din ako.. Parehong takot magrisk at masaktan ulit, but we managed 6 months (4 months of which ay magkalayo kami) na masaya kami at lumilipas mga araw na alam kong mas minamahal pa namin ang isat isa. Ang bait ni Lord sakin, samin.. He gave us one more chance to fall in love an this time, alam ko, alam namin that this will be for keeps. :)

Kahit ilang away at misunderstanding pa ang dumating satin, hindi tayo maghihiwalay at makakayanan natin to. Kapit lang sa Kanya at laging balikan ang lahat ng unang alaalala nung tayo'y magkasama pa.

You make me smile :)

 Mahal kita Babe. Sana makasama na kita. Tiis tiis lang muna. 


Blogged. 

No comments:

Post a Comment