Saturday, November 3, 2012

Balik-trabaho

It's Work, work, work!

Naiinis talaga ako, nabura yung sinusulat ko nung isang araw... Yung feeling na minsan ka na nga lang ganahan mag-blog, nabura pa. hehe! Anyway, hindi naman yan ang dahilan kung bakit ako magsusulat ngayon. Sabi nga sa EGR, dapat may magbago sayo... Yung mga pangit na ugali ay dapat iwasan at kalimutan na. Kung maaaring pwedeng umiwas sa mga bagay at taong hindi makakabuti sa atin, gawin nalang. Salt and Light nga diba? Hindi ka pwedeng maging asin at ilaw kung ikaw mismo wala kang gagawing pagbabago sa sarili mo. And for me, it should start in my workplace. I'll start today. :)

Devotion

If I change, everything around me changes

Nagbabasa naman ako ng Bible, tina-try ko yung best ko na magbasa at least everyday, pero at most times, especially dahil sa dami nga rin ng ginagawa... nakakalimutan ko na minsan magbukas at makipag-usap sa kanya. After our Encounter with God Retreat, isa sa mga natutunan ko at nais kong ipagpatuloy ang Devotion journal. Hindi kailangang makatapos ng isang book sa bible sa isang araw, just short verses to meditate and ponder upon. I started with the Book of Matthew specifically chapter 5, and nakakatuwa kasi I wasn't expecting that it would really affect my way of thinking for the whole week. Chapter 5 speaks about how we should act towards other people, how we should be the salt and light of the world and how we should do what the Lord pleases us to do. Mahirap sumunod, mahirap gawin ang gusto Niya at mahirap lumakad ng deretso lalo na kung tayo'y napapalibutan ng iba't ibang uri ng temptation. But then again, we have a just and loving God, He is always faithful to love and accept us, even forgive us from all our sins. 

Malaking tulong sakin ang devotion, I am hoping magawa ko siya everyday kahit busy ako sa work at sa ibang bagay. Sabi nga, meditate His word day and night and do not depart from His teachings, mahalaga na makausap natin siya araw-araw.

Bakasyon Grande 


Thank you Babe, kaps, pebs!

Date time :)
Nahirapan akong i-let go ang one week vacation (Nahirapan talaga? hehe!). Nasulit ko kasi ang bakasyon, nakapag-pahinga ako, na-enjoy ko ang madami kong "me times" at dates with babe maging ang 2 days na wala ako sa outside world dahil sa EGR and of course ang rejuvenated spiritual time ko with the Lord. Ang bilis ng 9 days, akalain mo nga naman 9 days din pala ang bakasyon. Di ko naramdaman, dumaan lang talaga. 

On the other hand, I feel good on my first day. No to negativity and yes to challenges and "work-related stress". Parte ng buhay manggagawa yan. We have to accept the fact that we are working, and kasama doon ang mahirapan ka from time to time, mainis, mastress, mabwisit, maubusan ng dugo dahil sa mga kasama... Pero bottom line parin nun, be thankful. Magpasalamat sa trabaho at sa sweldo, magpasalamat sa mga blessings at tanggapin ang bawat challenge as a room for improvement. :) 

Masaya ako, masaya ang aking puso at ang aking disposisyon. I feel so loved and I feel so blessed (in all aspects). I thank God I'm still alive and breathing, which is a good sign. Hehe! There are still a lot of chances to make things right. 



Tawang-tawa ako sa picture na to. Hehe! Kala mo babe ah. :))

Life is full of surprises and unexpected blessings. Just be thankful for everything and God will reward us with every good deeds. Wag mapagod gumawa ng tama sa kapwa, hindi man maappreciate ngayon, our Father in heaven is very happy when we make others around us happy. :)


Lez gow change the world one step at a time.

Be blessed! Be a blessing! :)


No comments:

Post a Comment