Thursday, August 30, 2012

Kapsalung-anity!

Zieggyput and Leelyput

We are family :)
  
Si Ziegrey Oris Balota, 25, taga-Muntinlupa City, kasalukuyang nagtatrabaho sa Ann Arbor Montessori Learning Center, may tatlong anak, diborsyado, at humaharap sa kaso ng pangunguha ng mga damit na nakasampay sa kanilang kapitbahay sa kadahilanang hindi maipaliwanag. Kapag nakita niyo po itong mukhang ito, makipag-bigay alam lang po sa kinauukulan. Ang sino man na makapagsasabi kung saan nagtatago ang taong ito ay may matatanggap na gantimpala. 50,000 pesos para sa ulo ng lalaki sa larawan. Tumawag sa 0917-********.

****************************************

Isang malaking CHOS! Hehehe! Happy birthday mahal kong kapsa! :) Namiss ko na ang kulitan blues natin at ang tawanang wagas na wagas na kung makatawa eh akala mo katapusan na ng mundo. haha! Dahil birthday mo, ikaw naman ang aalayan ko ng pahina sa aking blog. Nararapat lamang na ikaw ang parangalan ng Blogspotter of the Year sa dami ng views mo sa iyong blog. Ikaw na talaga! hehe! Akalain mong ang dami mong readers! Congratulations sayo kapatid, isa ka ngang ganap na manunulat. Sa susunod, collab tayo ni Babe at gumawa tayo ng libro. Ang saya siguro nun hehe. Tapos siyempre, dahil mahal mo naman kami ni Juanito, yung kikitain natin, itulong mo nalang sa amin dahil alam mo na mahirap ang buhay, lalo na kung bubuo ng pamilya kaya kakailanganin ng anda! Mayaman ka naman, ipaubaya mo na sa amin yun. hehehe! 

Ganto kaming magkapatid :) *Najejebs pose* hehe!
Para Sayo Kaps,

On a more serious note, nilolook forward ko talaga ang birthday mo dahil gusto ko talaga gumawa ng blog para saiyo. Hindi ko parin makalimutan ang blog na sinulat mo para sa aking kaarawan this year, naiyak talaga ako nun kasi iba parin ang pakiramdam na malaman mo na mahalaga ka sa ibang tao at naaappreciate nila ang mga ginagawa mo para sa kanila. Kaya kaps, dahil araw mo ngayon, hayaan mo na ako naman ang magbalik sayo ng mga magaganda at di masyadong magagandang experiences natin as magkaibigan, magkaribal (ALAM NA ALAM MO YAN! HAHA!), at higit sa lahat as magkapatid. :)

Si Zieggy bilang isang Guro

Tito Boy, Mr. Fu, Sir Chris at Ms. Ly :)
Sir Zieg! Yan ang kilalang tawag kay Sir Ziegrey Balota. Magkasama kami sa isang Department, English teacher sya sa grade school habang ako naman sa high school. Hinding hindi ko pa rin malilimutan yung demo teaching ko, sila ni Mr. Fu (Andrewkelya) ang nanood at nag-observe. Ay sabi sayo kaps, grabe ang kaba ko nun. haha! Siyempre, alam ko naman na mga beterano na kayo (naks!) at ako ay isang hamak na baguhan lamang. Malay ko ba naman sa pagtuturo ng English (eh Phil Stud ako), to think na high school pa hawak ko noon. Pero ayun nga, nasurvive ko naman ang isang taon at masasabi kong iyon pa rin ang pinaka-masayang working environment ko sa loob ng 4 years na nagtatrabaho ako. Fulfilling kasi sa pakiramdam na may naiimpart ka na knowledge sa ibang tao. Tunay ngang ang pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon, ito ay isang bokasyon. Kahit hindi kataasan ang sweldo, andun ung passion, andun ung kagustuhan ng isang guro na magampanan ang kanyang role sa buhay ng kanyang mga estudyante. 

Sa isang taon na nakasama ko siya sa AAM, alam ko naman at naniniwala ako na mahusay na guro si Ziegrey, mayroon lang issue sa kanyang "temper". Haha! Pero kung pagalingan lang sa pagsasalita ng wikang Ingles, eh hindi naman papakabog ang lolo mo. Kung maka-emcee to wagas din. Mahal na mahal din siya ng kanyang mga chikiting kasi lovable naman tlaga sya. Alam ko kaps na marami ka pang pagdadaanan sa napili mong propesyon, pero sabi nga, "no pain no gain"... Mahirap, stressful at katakot-takot na frustrations ang haharapin mo, pero laging tandaan na, You are born to change lives and to make their lives better with every knowledge and wisdom that you instill in their minds. Wag mong kakalimutan ang dahilan kung bakit ka nagtuturo, lagi mo silang ituring like your own, and I know that you will go a long way sa iyong chosen career. Kahit saan ka pa man mapuntang school, we will always be friends and colleagues. Hindi natatapos sa AAM yan. At alam mo yan! :)

Si Zieggy bilang isang Anak at kapatid 

Si kuya Bong!!!
Isa lang ang masasabi ko tungkol sa aspetong ito, si Ziegrey ay isang mapagmahal na anak at kapatid. Nakikita ko ang efforts mo sa iyong family at alam ko kung gaano mo sila kamahal. Hindi lahat nakikita ung mga pinagdaanan mo this past few years pero isa ako sa mga taong pinagkatiwalaan mo sa mga problema mo na hinarap with your family. I know that sometimes nakakapagod na, na minsan gusto mo rin ng sarili mong buhay, pero lagi mong tatandaan na without your family, wala rin tayo sa mundong ito. Whatever trials that you are facing right now, I always pray na malagpasan mo iyan. Dasalan mo lang ng bonggang bongga yan kaps. At kapag hindi mo na kaya, andito naman ako, kami ng mga kaibigan at mahal mo sa buhay para saluhin ka at makinig. Hindi tayo masyadong nakakapag-usap lately, pero naalala ko pa ang mga text exchanges natin at alam kong may dinadala ka. Your family will always be your family kaps. Just stick together, and nothing could ever go wrong. Trust me kaps!

 
Si Zieggy bilang isang "life of the party" 

Anong kwento sa likod ng larawan na ito? hehe!
Hindi naman maipagkakaila na sobrang masiyahin nitong kaibigan kong to. Pwera lang pag umeemote, nuknukan naman ng tahimik kapag may dinadala. Kapag magkakasama kami, eh baliw-baliwan naman ang peg namin! Masasabi ko talaga na masaya kami kapag magkakasama. Yung tipong mga problema at mga stress ay nakakalimutan dahil ang sarap tumawa at makipagkulitan. :)



Harot!!!
Ganto kami ni Zieg, sa sobrang close namin okay ng maging maharot. Isa si zieg sa mga kaibigan kong lalaki na mayayakap ko, mayayapos ko ng walang malisya. Yung tipong makakabiruan mo sa lahat ng bagay at hindi siya mapipikon kasi makikipag-asaran din siya in return. hehe! Naaalala mo ba kaps ang mga harutan moments natin sa ATC? Specifically tong picture na nasa kanan? Yung hindi tayo maintindihan ng mga tao kasi nga bonded na tayo at sa atin normal na yung mga ganun. :) Namimiss ko kapag kinukulit kita at naiinis ka kasi ang kulit kulit ko. hehe! Yung mga inside jokes natin na tayo lang nagkakaintindihan. Yung mga kodakan moments natin at mga tawanan at biruan na nakakapagpagaan ng loob ko kapag ako ay nalulungkot at nasstress. Yan si Tito Bhoy, ang aking masayahing kapatid. :)


Si Zieggy kapag nagmahal...

Ay naku! Bukingan time na kaps. haha! Humanda kaaaaa! :))Usapang puso naman tayo. Paano nga ba magmahal ang isang Ziegrey Balota? Hay naku! Kung magmahal akala mo babae! Emoterong emotero. Masyadong emotional, iyakin, at higit sa lahat, hindi niya pinapaalam sa taong mahal niya na mahal niya ito!! AMININ!!! hehe! Aabot pa yan sa point na, magloloka-lokahan, iiyak nalang bigla tapos hindi sasabihin ang dahilan. Yun pala eh umeemote dahil sa kaniyang iniirog. Hmmm... Ang kapatid kong ito ay hindi pa nagkakaroon ng kasintahan, pero kung makapag-advice ito patungkol sa pag-ibig akala mo nakapag-asawa na! HAHA! Pero, infernez sayo kapsalung, mahusay ka mag-advice pagdating sa love. Kumbaga, isa ka sa mga taong tatakbuhan ko talaga pag ang problema ko ay matters of the heart. ALAM MO RIN YAN! Parang experienced adviser lang. hehe! Kidding aside, kapag nagmahal siya, subtle, hindi niya pinapangalandakan sa buong mundo na "Hoy, eto yung gusto ko..." bagkus uma-under the table ang lolo mo. Dadaan ka nya sa pa-GM GM kunwari, pa-biro biro, papatawanin ka, bibigyan ka ng "pagkain" EHEM!, at isusulat ka niya sa blog niya. Lahat ng gustong gawin ng mahal niya, gagawin din niya, masabi lang! hehe. Ganyan siya magmahal, all out... sa sarili niyang pamamaraan. Halos lahat ng nagustuhan niya kilala ko, pero hindi na ko magdrop names (mahirap na baka burahin mo bigla tong blog ko para sayo hehe!). Naaappreciate ko na ako ung pinaka-unang tao na sinabihan mo about kay "ardee". Thank you for trusting me and for seeking my advice from time to time. Alam mong medyo may ka-eng-engan ako pagdating sa pag-ibig pero nagtitiwala ka parin sa aking mga sasabihin. HEHE! Nangangarap ako at nagdadasal na ito na to para samin ng dude mo, ipagdasal mo din kami. At siyempre ipagdadasal ka din namin na mahanap mo na SIYA. Ang taong kukumpleto ng iyong puso at ng iyong buhay. Wag kang maiinip kaps, true love waits. It has perfect timing!! Wag ka din mapapagod na magmahal, dahil maswerte ang taong iyon, kapag siya ay minahal ng isang Ziegrey Balota. :)

Si Zieggy bilang isang matalik na kaibigan 

Tambalang tito Bhoy at Mr. Fu!

with BFF Imee
Okay, so tapos na tayo sa love, sa friendship naman. Eto na ata ang pinaka-mahabang blog post na nagawa ko kaps, effort kung effort ha! Mahilig ka kasi sa mahahabang blog, magpapatalo ba naman ako?? hehe! Anyway, si Zieg bilang isang matalik na kaibigan. Makikita niyo naman sa magkabilang dulo ang larawan ni Zieg at ng mga BFF niya. Si Andrewkelya, na kasama din sa aming barkadahan... At si Imee na college friend niya, na sana mameet ko rin! Palagi niyang kinekwento sakin.

Dude and Kaps :)
Naniniwala ako sa kasabihang "Tell me who you're friends are and I'll tell you who you are". Kaya kung tatanungin ako kung anong klaseng kaibigan tong si Zieg, simple lang, he's a friend in need and a friend indeed. Yung tipong will catch a bullet for at yung tipong kaibigan mo hanggang sa dulo ng walang hanggan. Oo, eksaherada yan, kasi eksaherada din naman tong si Ziegrey pagdating sa kanyang mga kaibigan. Napaka-possessive niyan! Haha! Seloso pagdating sa friends kasi nga marunong siyang magpahalaga ng kanyang mga kaibigan. Bibihira lang talaga ang mga kaibigan na hindi ka iiwan sa ere. Yung iba andyan lang pag may kailangan, yung iba lumipas lang ang era ng friendship, yung iba naman parang kabote na lulubog lilitaw. Kaya naniniwala ako na blessed ako with few but loyal and trust worthy friends. At isa si Ziegrey doon. Salamat kaps!

Kapsanity, Kapsa, Kapsaloid, Kapsalung, Kapski, atbp. :) 


Paano ba nagsimula ang evolution ng salitang KAPATID??? Kami ng kapatid ko na to ay mahilig mag-experiment sa words. Kumbaga gumagawa kami ng bagong salita o kaya ineevolve namin ang salita into something more catchy at funny. hehe! Paramihan kami ng maiisip na kakaibang salita hanggang sa sumuko na kami dahil naubusan na ng bala. hehe! So ayun nga, ang dating simpleng KAPS ay nag-evolve na sa iba't ibang tawagan na ang nais lang naman itumbok ay ang salitang KAPATID.
Sorry na kaps! haha!

Masasabi kong si Ziegrey ang aking ultimate kapatid sa aming kapatiran. May samahan kasi kaming mga teachers at dating teachers sa AAM na ang tawag namin ay TEACHERRIFFICS. Alam ko at naniniwala ako na ako ang nagpauso ng tawagan na Kapatid dahil tinawag ko tong si Balota ng Kapatid noong bago palang kami nagkakakilala. Thus started this friendship like no other. A brotherhood/sisterhood like no other fraternity. We are not just friends were like best/super/close/good friends all rolled up into one. Dito rin nabuo ang tambalang Zieggyput at Lilyput. Si Zieg actually ang nagbansag saking leelyput. Sa kanya nanggaling yan at dahil dyan, eto na ang madalas kong gamitin na nick name kasi nacucute-an ako. hehe!


Skyping with you!
First SB date with you! :)
Kung tututusin, mag-3 years palang naman kaming friends. Pero umpisa palang kasi, nag-click na kami. Marami-rami narin kaming secrets na shinare at marami-rami narin kaming pinagdaanan bilang magkapatid at magkaibigan. Hindi kami laging masaya, kasi may time talaga na nagkatampuhan kami ng bongga. Recently lang actually. First time after 2 years na hindi kami nagkibuan at nag-usap for like a week! Nasa Pilipinas ako noon, nagiinarte ang lolo mo kasi wala akong time para sakanya, tapos nagiinarte rin ako sa kanya kasi may inamin siya sakin na hindi ako natuwa. HAHA! (Alam mo na yun hindi ko na idedetail dito!) Medyo nalungkot talaga ako nun, kasi nasanay ako na nag-uusap kami kahit man lang sa text pero talagang dedma galore ang lolo mo hanggang sa hindi narin nakatiis at nag-usap narin kami. Masasabi kong kailangan talagang pagdaanan ng mga magkaibigan ang tampuhan, mas lalong tumatatag ang samahan kung may tampuhan at konting away. Mas nakikilala ang isa't isa at mas masasabi na tunay kong kaibigan to, kasi kung hindi, malamang iniwan na ko nito. Kaya kaps, alam kong nagtatampo ka dahil busy-busyhan tayo lately, pero alam mo na andito lang ako diba? Hindi kailangang araw-araw tayong maguusap. Ako parin si kapski mo na pwede mong sumbungan, at ikaw parin si kapsalung ko na pwede kong iyakan pag ako ay may problema. :)

Teacherrifics and Zieggy


Kapatiran :)
Krispy CREAM! HEHE!

Nabanggit ko na kanina ang aming samahan, kami ang Teacherrrifiicss. We are teachers but we are also good friends. Mahilig kaming kumain, manood ng movie, at magkape. Namimiss ko na ang barkada at masaya ako na nakahanap ako ng mga kaibigan na kagaya nila. Kung ikaw ay may problema kaps, alam mo na kung sinong tatakbuhan mo ha? Hindi lang ako, marami kami. Tingin ka lang sa larawan sa itaas at iyan ang mga mukhang maaasahan mo sa lahat ng oras. Mapunta man tayo sa iba't ibang lugar o iba't ibang trabaho, alam ko na yung samahan natin hindi na yun matitibag. Matibay at maaasahan mo sa lahat ng panahon. Friendship that will stand the test of time. :)
Tuesdays with Zieggy
Anong ginawa mo sa aso ko? hehe!

Medyo pagod na ang kamay ko sa kakatipa, bakit ba naman kasi ang dami kong gustong isulat. HAHA! Pero last na to, eto na talaga. Isa sa mga memorable na bonding moments natin nung nasa Pinas pa ako ang Tuesdates natin. Eto ung mga oras na nagtatampo ka na talaga kasi umaasa ka na magkakatime tayo together pero siyempre, dahil bago palang kami ni Babe, medyo nabawasan ang ating bonding time. Nagsorry na ko sayo sa aspetong yan, alam mo naman na special ka for me and I will always try to find time for you. :) So to make up on lost time, nabuo ang Tuesdays with Zieggy.
Tuesday group! :)
Kasama si Juanito, madalas tayong nag-Mmcdo. Tatambay muna sa aming bahay tapos deretso Mcdo. Namimiss ko na kayo. Namimiss ko na yung mga gantong gala na kahit di ka masyadong gumagastos masaya ka. Yung pakiramdam na ang lapit lang ng mga taong mahal mo at pag gusto niyong gumala ang dali dali lang. Hay kaps, kung pwede lang umuwi na agad-agad pero hindi. So sa ngayon, tiis-tiis muna. Para naman ito sa future. :) Nawa'y binasa mo ang librong ibinigay ko sayo nung bago ako umalis. Akmang akma sa atin yun kasi nagkaroon nga tayo ng Tuesday sessions. hehe! Naalala ko ang pinakahuling Tuesday bonding natin, yung tayo nila Rachella at binaybay natin ang daang-hari Mcdo tapos di pa nasatisfy nagJamba Juice sa ATC. Nakakamiss! Ang dami kong hinanakit sa buhay noon pero naibsan naman dahil sa dami ng tawa na binigay niyo sakin noong mga oras na yun. Wag mong kakalimutan na pag-uwi ko, dapat itutuloy natin ang mga Tuesdates natin. At siyempre, libre mo. :) HEHE!

 Kapatid till we grow old :) 

Ayan, finally! Last na! Gusto ko lang sabihin na mahal kita kaps bilang isang kapatid at kaibigan. You have been very good to me this past years kahit maldita ako at prangka. Nakikinig ka sa mga pag-iinarte ko, at tinyaga mong pakinggan ako nung heart broken ako na para akong sirang plaka. Sinamahan mko sa mga trip ko na gala at nililibre mo ko palagi. Kayo ni Juanito ang pinaka-malapit sa akin at pag nawala ang isa sa inyo, ewan ko nalang talaga. hehe! Nawa'y sa iyong kaarawan ay maligaya ka. Yung GENUINE happiness na kahit wala kang lablyf eh masaya ka. 25 ka na, dapat medyo nagmamature na tayo sa mga decisions kaps. Mging sa mga gastos at mga gala. I just pray that God will grant the desires of your heart, and kung ano man yung pinagdadasal mo ngayon, lahat iyon ay matupad in His perfect time. 

Malungkot na wala ako dyan sa kaarawan mo, babawi nalang ako next year sa inyo ni Juanito. Wag ka na magtatampo ha, ang haba na nitong blog ko. Sumakit kamay ko sa kkatype! hehe! Pero ganyan kita kalove at gusto kitang isurprise kahit sa gantong paraan lang. Thank you for being the best kapatid, and I know na wala man tayong labels as best friend, I know that you will always be one of the few na sasaluhin ako sa lahat ng oras at sa mga oras na nangangailangan ako at ganun din ako sayo, PROMISE. 

Happy Happy 25th Birthday Zieggy! More blessed and fruitful years to come. Cheers to you and cheers to our friendship like no other. Toodles! Xoxo. <3


Tambalang Lilyput at Zieggyput

Wednesday, August 22, 2012

2 months in the desert!

Malapit na kong mag-dalawang buwan sa Gitnang Silangan bilang isang ganap na OFW, haha! Nakakaaliw isipin na tunay ngang kay bilis ng araw at ng oras. Siguro nga kung marami kang ginagawa talaga, hindi na napapansin na lumilipas nalang ang araw.. Mas pabor sakin 'yun, ibig sabihin sampung buwan nalang at uuwi na ko. Yes!! Haha! 


Realizations/Natutunan/Naobserbahan sa dalawang buwang pananalagi sa bundok:

1. Ang hirap maging independent. Palagi kong iniisip dati na ang saya siguro kung ako na ang may hawak ng buhay ko, kung ako na lahat ang kumikilos sa bahay, kung ako nalang ang nagggrocery, naglilinis, naglalaba, atbp. Pero ngayong solo nako at may sarili ng buhay sa bundok, mahirap din pala talaga. Pinagpala pa nga ako kasi andito ang aking ina para umagapay sakin at tulungan ako kapag may mga pangangailangan ako. Naisip ko, paano yung iba na walang kapamilya at mag-isa? Malungkot at mahirap. Challenge ang bawat araw na alam mong kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong paa. Pero rewarding din at the same time kasi alam mong kahit nahihirapan ka, natututo ka parin in the long run. Sabi nga, Nothing worth having comes easy. Pinaghihirapan ang lahat ng bagay. Mas masaya sa pakiramdam na alam mong nakamit mo ang isang bagay dahil pinaghirapan mo ito. Kaya kahit mahirap, andun parin ang saya at ang patuloy na pasasalamat sa Kanya sa patuloy na paggabay sakin sa bundok. :) 

2. Pakikisama. Kasama sa pagiging independent ang pakikisama sa mga tao sa paligid mo. No man is an island, sabi nga nila. Lalo na't ang layo namin sa sibilisasyon, mahalaga ang marunong at matutong makisama sa mga kasama sa bahay at trabaho. Hindi pwedeng magmaldita at hindi rin pwedeng magmarunong kung ayaw mapaaway at mapag-tsismisan! Hehe! Ako ay blessed dahil ang mga kasama ko sa trabaho ay mababait sakin maging ang mga kasama ko sa bahay higit ang aking          room mate na si ate Luz. Pero ayun nga, kapag nasa ibayong lugar, mahlaga sa atin na dapat   marunong tayong makibagay, maki-adapt at manatiling mapagkumbaba at palangiti sa ating kapwa.  Kahit di mo kilala, ngiti lang. Bawal ang snob lalo na't bago pa lamang.                                                                 

3. Sacrifice. Kapag napunta ng Gitnang Silangan, marami tayong isasakripisyo. Dapat handang magtiis at handang magsakripisyo. Maraming bagay ang hindi magagawa ng mga normal na tao dito sa Jeddah at kailangan matibay ang loob at matutong labanan ang homesickness. Noong nakaraang linggo, naging matindi ang epekto ng homesickness sa akin at walang araw na di ako umiiyak o nalulungkot. Namimiss ko ang buhay ko sa Pinas, ang aking pamilya, mga kaibigan, at si Yuan. Maging ang mga alaga kong sina Hatchi at Patchi ay miss na miss ko. Umabot sa puntong kapag kachat ko sila, unti-unting nalilingid ang mga luha ko at sumasagi sa isipan kong "gusto ko ng umuwi". Ang hirap pala talaga kapag ikaw ang malayo. Akala ko dati madali lang, pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, ang bigat pala sa loob. Pero hindi ako nagpatalo sa emosyon, at narealize kong kailangan kong maging matatag. It naman ay aking nalagpasan bungad narin ng matinding pananalangin at constant na pakikipag-usap sa mga taong mahal ko sa Pinas. 

4. Absence makes the heart grow fonder. Hindi magiging hadlang ang distansya sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan. Kahit ang layo ko kay Yuan damang dama ko ang nag-uumapaw niyang pagmamahal. Yung tipong gigising ka sa umaga at nararamdaman mo ang pagmamahal. Yung ang dami mong kilig at ngiti kahit simpleng message lang naman ang natatanggap mo mula sakanya. Ang sarap palang magmahal kung alam mong ganun din yung love na sinusukli sayo ng taong mahal mo. Hindi to bola, hindi rin to kwentong barbero lang, alam ko at nararamdaman ko siya kahit milya milya ang layo ko sakanya. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigay siya sakin. Alam kong magiging challenge ang isang taong magkalayo pero alam kong kayang kaya namin ito at malalagpasan namin ito ng sabay, basta kapit lang at magtiwala sa isa't isa at sa Diyos. 

5. Paano na kaya kung walang internet? Seryoso, naiisip ko yan. Haha! Kung wala siguro internet  ang lungkot lungkot ng buhay sa ibang bansa. Maraming salamat sa technology dahil parang ang lapit  ko kahit ang layo ko naman talaga. Ito ang nagsisilbing koneksyon ko sa mundo at lubos akong  nagagalak dahil nabuhay ako sa henerasyong ito kung saan ang bilis at ang daming paraan ng   pakikipag-usap sa mga taong mahal mo kahit na ako'y nasa ibang bansa.    

Tatapusin ko ang blog na ito sa isang panalangin ng pasasalamat sa Kanyang gabay at kabutihan sa aking dalawang buwang pamamalagi dito sa Jeddah: 

Ama,

Una po sa lahat ako po ay nagpapasalamat sa Inyong patuloy na paggabay sa akin at sa aking mga mahal sa buhay. Tunay nga pong mahirap at madaming pagsubok na darating sakin dito pero alam ko po na hindi nyo po ako iiwan o pababayaan. Hinihiling ko po ang inyong gabay at patnubay, ang karunungan na nanggagaling sa inyo at ang pusong matutong magtiis at  maghintay. Marami pa po akong kailangang matutunan, gabayan niyo po ako na nawa'y ang lahat ng desisyon ko ay naaayon sa inyong kagustuhan at salita. Kayo na po ang patuloy na gumabay sa aking relasyon, sa aking pamilya, at sa lahat ng mahal ko sa buhay. Alam ko pong walang imposible sa inyo. Salamat Panginoon, mahal ko po kayo. 

Amen. 

Thank You Lord. I love you. :)


Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa aking blog. Kahit hindi ako madalas magsulat may nagbabasa parin. Hehe! 5,000 views!!! God bless!!