Wednesday, June 27, 2012

The Chronicles of being a Jeddahn Citizen


It’s work work work now.

2nd day in Jeddah. June 27, 2012, 2:21 pm. Here in my office (naks! Doing nothing just blogging.)

Kakaiba ang pakiramdam na andito na ulit ako sa lugar na ito. Di ko maexplain kung nahohomesick ba ako o sadyang nasanay lang ako sa Pinas kaya hinahanap hanap ko ung ingay ng mga tricycle, tahol ng mga aso (especially ni hatchi hehe), sigawan ng mga batang naglalaro sa labas, tunog ng jeepney, polusyon ng Maynila at Alabang-Zapote road… at higit sa lahat ang mga boses, tawa at hagikgik ng mga taong mahal ko.

Hay, ayoko maging emotional noh, kasi parang lagi naman akong bumabalik ng Jeddah at dito narin ako lumaki.. pero di ko rin maexplain bakit extra special ang pagbalik ko na to. Ang pag-alis ko nung June 25 ang isa sa pinaka-emotional na pag-alis ko ng Pinas (at sabi nga ng tatay ko, ngayon lang daw niya ko nakitang umiyak ng ganun), buong biyahe ko ata pabalik iniyak ko lang ng iniyak. Haha! Siguro kasi for the past few weeks na lumipas, di ko iniisip na aalis ako, kaya nung eto na, paalis na ko, nagbreak down na ko. The hardest part of leaving is not the act itself, but seeing the people you love and knowing that you will not see those faces for a very long time again.

Oo may skype, viber, facebook, ym, twitter, facetime, atbp. Pero ung physically mo sila makikita, iba talaga. Iba parin yung andyan ka lang at pwede mo silang mayakap at any time of the day. Kahit ung mga aso ko namimiss ko… si Hatchi and si Patchi aka Pacquiao and Bradley. Hehe! Lakas kasi magharutan nung dalawa, walang ginawa kundi magkagatan at mag-away. Nakakamiss!!! Kahit madalas akong awayin ni Hatchi, pag kinikiss niya ko namimiss ko yun. Kahit ung simpleng excited na excited silang dalawa pag nakikita ka nila nakakamiss! L Oh well, this is life. Life of being an OFW. Hindi nga madali ang buhay OFW. Akala ko dati basta ako may allowance galing kina mommy ayos na, di ko alam na mahirap pala tlaga pag ikaw na ang nasa ibang bansa at malayo sa lahat ng taong mahal mo. Yung feeling na, 365 days ang bibilangin ko bago ulit ako makauwi at bago ko ulit sila makasama. Grabe. 2 days palang to ah, pano kaya pag 2 months na.. nabaliw na siguro ako. Hehe! (Joke lang po. Strong kaya to, kasama ko si God and I know di Niya ko pababayaan. :))

Anyway, bukod sa emotional rollercoaster ride ko for the last 2 days, gusto ko tlaga mag-blog kasi hindi ko rin alam kung ano ang magiging outlet ko para irelease ang emotions ko. I’ve always been good in hiding my true emotions, pero minsan may hangganan din ako sa pagtatago. Hindi ko mapigilan ung maiyak at malungkot. I’ve been here in Jeddah for like forever but I really miss home and I really miss YOU. Simple and random things that we do, namimiss ko. If only there’s a way for us to be together again, gagawin ko. At alam kong ganun ka din. But for now, all we can do is wait… and wait patiently upon the Lord for His perfect time na magkasama ulit tayo.

Distance should never be a hindrance…

Naniniwala ako na hindi ito dapat maging issue. Na kung tunay kayong nagmamahalan, hindi magiging hadlang ang di kayo nagkikita kasi sabi nga “absence makes the heart grow fonder” and “love develops through time”. Love goes hand in hand with trust, and sabi nga ng mabuti kong kaibigan na si Ziegrey, love is just an icing in the cake; mahalaga ang trust. TIWALA sa isa’t isa na kakayanin niyo ang lahat ng bagay kahit magkalayo kayo. Alam ko babe, mahirap, pero trust me and trust God that He can do great and mighty things for us and our relationship. I know that were just starting, but we started out as good friends and I know yung foundation na yun hindi madaling matitinag. Just trust me when I say that I will wait and hindi ko hahayaan na masira yun habang magkalayo tayo.

This will test us on how far can we go and how far can we sacrifice a lot of things for the sake of us to stay together. Yes, mag-aaway tayo, yes, there will be temptations, but if we will not allow ourselves to be tempted and to let pride get in the way, we can survive this one year na masaya parin tayo and going stronger as ever.

Ewan ko, positive kasi ako, alam kong blessing tong relationship na to from GOD. I did not ask God to give me someone to love, but He knew what we both need and He knew that we need each other. But we can’t be dependent on each other kaya kailangan maghiwalay – PANSAMANTALA. J Kung ang kapalit naman nito ay magandang future diba?

This is just the beginning babe. Maraming marami pang mangyayari but let’s keep holding on and let’s keep praying together. Sabi mo nga, prayers can move mountains and it can even bring us closer without us even knowing it. I love you babe, words will never be enough.

I miss you everyday and I want you to know that I’m not going anywhere. We’ll pass this through TOGETHER. J  I love you and I  miss you. Be strong okay?

Be on your guard; stand firm in faith; be men of courage, be strong.
-          1 Corinthians 16:13


Thanks for reading! Be blessed and be a blessing! 


P.S. Takas mode sa office. salamat at pwedeng mag-blog spot pampatanggal bagot. hehe!

1 comment:

  1. I love it kaps!!! Tama, stay the same though long distance is present... Kaya niyo yan...

    ReplyDelete