Monday, December 31, 2012

2-0-1-2

It ain't the end of the world - 2-0-1-2

Kanina ko pa talagang gustong magsulat. Mabuti nalang at nagkaroon na ako ng lakas na buksan ang laptop at sisimulan ko na ang countdown to 2013 ko. 2012 has been a great year. I got to experience the best of both worlds, the best and the worst. Ang daming magagandang nangyari sakin sa taong ito, may mga hindi maganda pero nangingibabaw parin ang kasiyahan at blessings! Since it's 3 hours (Pinas time) and 8 hours (Saudi time) before midnight, let me give you my TOP 10 for the year 2012. Random events/happenings and people that I've met/been part of my life this year, good or bad, either way, taught me a valuable lesson. 

Marie's TOP 10

1. Birthday sa tuktok ng bundok. February 10, 2012. I celebrated my birthday, after the longest time, in Jeddah. It was a memorable birthday for me because for the first time in my 23 years of existence, sinelebrate ko ang birthday ko sa ibang lugar. We went to Taif, known as Baguio of Jeddah, together with my close friends and church mates. Ang saya ng araw na ito dahil sa kagandahan ng lugar, naramdaman at nakita ko na kahit ako ay dumadanas ng matinding kalungkutan ng mga oras na iyon, pinakita sakin ni Lord na ang daming blessings at daming magagandang mangyayari sakin sa taong ito. Di ko rin makakalimutan ang pag-awit ng aking mga  kaibigan ng Happy Birthday habang nasa tuktok kami ng bundok. Nakakatuwa, nakakamiss. :) It was a special birthday indeed and the people around me, even friends across the globe, made me feel that I don't need a lot of friends, what I need is people who will stick with me no matter what. 

2. Hearts are meant to be broken to be filled again. Hindi na ko magdedetail sa part na ito pero sa mga nakakakilala sa akin, ang taong ito rin nakaranas ako ng matinding heartache/heartbreak (hehe!). Hindi naging madali ang moving on process (naging matigas ang ulo ko sa aspect na ito), pero si Lord gagawa siya ng way para gisingin ka at ipakita sayo na "You deserve better, Anak." I've learned that we will experience pain along the way, but that's what makes us stronger. The pain that we will have to endure will show us that in suffering, there is hope. And when there is hope, there is joy. God dealt with me and he showed me that He will take someone away from me because He will give me more... and no doubt about that, God gave me more, blessings overflowing and people who truly deserves my time and attention. :)

3. JCCF. My second family here in KSA. I am very thankful to God for bringing me to this church because I have not only found acquaintances, but I have found great friends. They have been my source of strength sa lahat ng oras na nanghihina ako and God used them mightily in my life and in my mom's life as well. I feel very blessed and thankful to be part of a family especially when you're a thousand miles away from home.

4. 30 Years of Successful Marriage.This year marked the 30th year of my parents as husband and wife. It was such a fulfillment to see that after all these years, their marriage was standing headstrong. Distance, time, differences, misunderstandings, and countless tampuhans never was a hindrance for them to work their relationship out. They were the perfect example of a happy and loving couple, yung tipong kahit magkalayo sila hindi ko nafeel ang distance at nakita ko ang efforts nila for each other despite the distance. I am so blessed to have my parents, I could never ask for anyone better than them. They are the best and they are God's gift to us as we are God's gift to them as well.

5. Kasal-kasalan. This year I must say was a year of weddings. I get to experience to sing at a wedding and naging abay din ako sa kasal. Two of my dear ates in our church got married this year and one of my closest sister got married in Tagaytay also this year (at lahat dito Ninang ang Mother earth ko, niloloko ko nga siya, sa kasal ko Ninang na din siya, dahil siya ang Ninang of the Year hehehe!). To Ate Rona, Ate Myrna and Irish (beaulag), I know this was one of the best years of your life. Nakikita ko ang kaligayahan niyo dahil alam kong ang mga partner in life niyo ang binigay ni Lord para sainyo. I pray that 2013 will not only be a year of weddings but also a year full of love and happiness. :) 

6. Summer 2012. It was a great summer to spend with family and friends back home. I was loosing hope mid-February and early March kasi hanggang that time wala parin akong tawag sa mga ina-applyan ko na work dito sa Jeddah, but God said, wait patiently. Hindi Niya nga ako binigo at binigay niya sakin ang Job offer sa College of Medicine, KSAU-HS. I went home for 2 months. It was a great, great vacation! I get to spend a lot of time with my loved ones and talagang nasulit ko ang bawat araw ng bakasyon ko. I know that 2 months is really short but my friends and family made my stay all worth it. 

7. Welcome to the Bundok! Yes, I am a certified OFW. June 26, 2012 marks my first day as an Overseas Filipino Worker and Proud! Hindi madali ang kumita ng pera, at lalong hindi madali ang mamuhay sa ibang bansa. Kaya yung mga taong iniisip na ang mga OFW ay limpak-limpak ang salapi, medyo mag-isip isip, katakot-takot na depression, homesickness, pagod, culture shock atbp ang dadanasin ng mga OFW bago kitain ang hard-earned salary. Working here in Jeddah made me realize that I will never experience this comfort I am experiencing if not for my parents who worked so hard for so many years away from home just to sustain us and to give us all our needs. It was a glorious moment, seeing my mom and dad, fulfilled and contented dahil lahat kaming mga anak nila ay nakapag-tapos ng pag-aaral at lahat ay nagiging (magiging) successful sa aming chosen career. Sa pagiging OFW ko natutunan na kailangan mong matutong tumayo sa sariling mga paa, at kailangang matutong maging independent. All by myself ang drama but I never felt I was alone, because I have people who served as my support system in times na nagigive up na ko. God is so good, despite of being away from home, He blessed me with good friends and a very loving and caring room mate. 

8. COM-J. Working in COM-J was really tough. Kailangan matibay ang loob, at open sa lahat ng possibilities na pwedeng mangyari sayo. My first few months were very challenging dahil talagang tinetest ang patience at efficiency ko sa aking trabaho. Na kahit ang liit ng sweldo, tambak ang trabaho. Na kahit todo effort sa pagtatatrabaho, yung mali mo parin ang nakikita. Na kahit anong gawin mo, hindi nila naaappreciate. That was my thinking three months ago. But God made me realize that I should not complain and instead, I should do what they want me to do, and do it with all of my best efforts. When I started to change, everything around me changed. Yung mga kasama ko sa department na feel na feel kong ayaw sakin, nafeel ko na nagbabago na sila towards me and our working relationship started to be harmonious. Truly, when you decide to give it all up to Him, He will show you great and mighty things. Work will always be challenging, there will always be competition... but when we realize that we don't work for them, we work for God and His glory, our work disposition will change and everyone around us will change as well. It's all about the right attitude, maintaining the happy disposition despite of it all. 

9. Blessings! Daming blessings this year. Financially, hindi ako kinulang. Laging sapat at minsan sobra pa. Hindi ako nagugutom, hindi nagugutom ang pamilya ko, nabibili ko ang gusto ko at nakikita ko ang pinaghirapan ko dahil finally, I can buy some of the luxuries that I think I deserve. Ang sarap ng feeling na makita ang bunga ng pinaghirapan, na kahit minsan sinasabi ng iba na material things lang yan, its not the about the money or the gadget, its the fulfillment that even you worked so hard, may kinalalagyan naman ang pinaghirapan mo. This year, I was able to save as well, for myself, and minsan naisip ko nga... Kailangan ko pang mag-abroad para makita ang value ng sweldo at ng pera. Sometimes, we will learn our lesson the hard way. I am very thankful for this year, God granted me more than what I wanted and desired. Thank You Lord!

10. Si Babe. Siya ang isa sa pinaka-magandang (gwapo hehe!) blessing na ibinigay sakin this year. Sa taong akala ko ang love life ay magiging non-existent, nagkamali ako. I was given another chance to love and tunay nga ang kasabihang "there's always a rainbow after the rain!". Si Yuan ang aking rainbow, ang aking shock absorber, ang aking laughing partner, ang aking prayer partner, ang aking clown, ang aking best friend, ang aking worst enemy, ang aking teacher, ang aking lover, at higit sa lahat siya ang aking pinakamamahal. Oo na cheesy na, bakit ba eh patapos nanaman ang taon, pagbigyan niyo na ko. 

Hindi niya lang alam kung gaano ako kasaya at kung gaano ako ka-hopeful sa aming relationship. He made me believe that long distance relationships CAN work and that no distance can hinder two hearts who are truly inlove. Araw-araw mas nararamdaman ko ang pagmamahal para sa kanya na kahit minsan hindi kami magkaintindihan, mas nangingibabaw ang pagmamahal. I can't wait for June 2013, six months to go Babe and this is it! Maraming salamat sayo kasi minahal mo ko ng lubos kahit abnormal at mainarte ako sa buhay. Mahal kita! 

Welcome 2013!

2012, you have been so good to me and to my loved ones. God has blessed me and my family and I am so thankful for their lives. Ngayong malapit na matapos ang taon, nais kong magpasalamat sa lahat ng tao na naging parte ng taon ko at nawa'y makapiling at makasama ko pa kayo sa mga susunod na taon. Sa mga taong lumisan naman, maraming salamat sa mga lessons, hindi ko makakalimutan ang mga bagay na natutunan ko dahil sa paglisan ninyo. 

I pray for a blessed and prosperous new year and that we will always remember that He is the reason for all of our celebration. Welcome 2013, handa na ko sa mga hamon, pagsubok, pagluha, kasiyahan, oportunidad, at panibagong karanasan na ihahandog mo sakin. Alam kong maraming marami pang mangyayari sa buhay ko, patikim palang ito, dahil dyan.. excited na ko para sayo. :)  




Manigong Bagong Taon,

From Jeddah with love <3

Blogged.x

Friday, December 28, 2012

Day 3-

Perslab.


Naalala kong naisulat ko na ang perslab ko dito sa blog ko dati. Dahil naisulat ko na, iyon nalang ulit i-copy paste ko nalang! (haha!) Pagdating sa usapin ng pag-ibig, minsan naiisip ko cliche na. Masyadong gamit na gamit na yung topic, lalo na ang first love. Sabi nga nila, first love never dies. Hanggang ngayon, nakakausap ko parin naman ang perslab ko. We remained good friends, though, hindi na kami ganoong nag-uusap at nakikita, hindi naman nawala yung friendship. Hindi kayo nagkatuluyan, but it doesn't have to end there. Sometimes, friendship is more important. Ang mahalaga ay napanatili ang pagkakaibigan, we are happily committed with someone else and hindi man ang kasintahan ko ang perslab ko, naniniwala akong siya na ang huli. I'm very happy, contented and blessed with my boyfriend. :)


***This blog was written last February 2011. ****

Puppy love. Young love. First love.

Nakakatawang isipin at balikan ang alaala ng unang pag-ibig. Ewan ko nga ba kung bakit pero may kakaibang saya at kilig ang dinadala nito kapag naaalala mo. Sabi nga nila, first love never dies. Para sa akin totoo ito, hindi man kami nagkatuluyan, hanggang ngayon, minamahal ko parin siya - hindi bilang kasintahan kundi bilang matalik na kaibigan.

Paano ba nagsimula?

Unang taon ko sa hayskul. Excited. Yan ang nararamdaman ko noon. Kapag tumuntong ka kasi daw ng hayskul, tigasin ka na. Hindi ka na "nene" at "totoy" na walang ginawa kundi makipaglaro ng takbuhan at langit-lupa sa mga kaibigan mo...

First day high. Magkakasama kami ng mga barkada ko nung unang araw namin. Palingon-lingon ako at tinitingnan ko kung may bago sa mga kaklase ko. May ilan na bago. Yes! sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit kapag may bago akong kaklase ay wala akong ginawa kundi magpakitang-gilas. Siguro sadyang papansin lang ako, o talagang trip na trip ko lang na sa unang araw nila... ako ang tatatak sa isipan nila. (haha!)

So ayun na nga. First day. Isa si KRAM sa mga bago kong kaklase. May kakaiba akong naramdaman noong una kaming nagkausap. Instant crush ng bayan itong si Mark. Cute naman kasi siya talaga, galing pa siya ng Pilipinas kaya sumikat siya talaga agad. Macharisma, malambing, makulit, at higit sa lahat matalino - ganyan si Mark. Hindi ko lubos maisip na magiging malapit kami sa isa't isa pero siguro talagang tinadhana kami para sa isa't isa dahil umpisa palang nag-click na agad kami. Magkasunod pa kami ng kaarawan, Feb. 9 siya at ako naman ay Feb.10. "Pareho kaming Aquarius... match made in heaven talaga kami!" lagi kong sabi sa sarili ko.

Lumipas ang mga araw at ang paghanga ko ay unti-unting nawawala dahil mas lumalalim ang aming pagkakaibigan. Tinuring ko siyang pinaka-matalik kong kaibigan noong 1st year kami. Lahat ng sikreto ko ay alam niya, lahat ng mga pinakatinatago niyang paghanga sa mga kaibigan namin ay alam ko din. Masasabing lumagpas na ako sa stage na "crush ko siya" at naging "best friend ko na sya". Masaya naman ako na ganoon. Kapag lunch at break kami ang magkasama. Kapag may mga takdang-aralin, kaming dalawa ang nagtutulungan. Magaling siya sa Math, magaling ako sa Filipino at English. Tag-team kami kumbaga. Kopyahan ng homework, hati sa lunch, pati nga inumin namin hati pa kami, halos lahat ng bagay pinagsasaluhan namin ng sabay. Madalas pa kaming inaasar ng mga guro namin na daig pa daw namin ang mag-boyfriend sa sobrang dikit namin. Hindi ko inanda ang asaran dahil sa isip ko, "kaibigan ko siya at hindi ko kayang mawala ang pagkakaibigan namin kapag umibig ako sa kanya." Nagpatuloy ang aming closeness at sa bawat pagdaan ng araw ay tunay ngang mas napapalapit kami sa isa't isa. Buong taon namin sa 1st year, kami ang magkasama.

Nang umakyat kami ng 2nd year, nanatili kaming matalik na magkaibigan. Parang wala na nga atang makakabuwag ng aming samahan. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin ng may dumating na bagong kaklase. Siya si Shane. Nag-click din kami ni Shane, sa totoo lang, naging mag-best friend din kami. Ngunit, sa aming pagiging malapit ay unti-unti kong nalalaman na nagiging malapit din sila ni Kram. At ang masaklap pa doon, nagugustuhan na siya ni Shane. Hindi ko maintindihan bakit may kirot akong nararamdaman noon. Sabi ko nga, ano ba ito.. umiibig na ba ako? Binalewala ko ang aking nararamdaman at nagpatuloy akong maging kaibigan lang ni Mark. Hanggang sa kalagitnaan ng taon, may isang pangyayari na nakapagpabago ng aming buhay.

Ang Pag-amin

Hindi ko akalain na darating ang araw na iyon. Tandang tanda ko pa. Kakatapos lang ng klase at hinatak ako ng isa naming kaklase. Ly, sumama ka sakin. May gagawin tayo. Sama naman ako. Pagdating namin sa gym, andoon si Mark. Nakatayo. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman. Nagulo ang utak ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto kong sumigaw sa tuwa, pero gusto kong umiyak sa takot. Tuwa dahil eto na, mahal na niya ko... Takot dahil kapag hindi kami nagkatuluyan masisira ang aming pinagsamahan.

Kinabukasan, imbis na samahan ko siya... iniwasan ko siya. Dumaan ang mga araw at linggo at iniwasan ko siya talaga. Ni tingnan siya sa mata hindi ko magawa. Dumating na nga ang kinakatakutan ko... napalayo kami sa isa't isa. Nasaktan ako talaga. Hindi ko maintindihan bakit kailangan naming magkalayo ng ganoon. Masaya naman kaming magkaibigan lang... bakit pa kailangang may maramdaman kami para sa isa't isa???

Pagkalipas ng ilang buwan, nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap ng masinsinan. Humingi siya ng tawad. Nais niyang ibalik namin ang aming dating samahan. Kasama ng pag-uusap na iyon ang isang liham. Ang liham na hanggang ngayon ay pinakainiingatan ko at inaalagaan ko. Nagyakap kami at nangakong kakalimutan ang mga mapapait na nangyari at magsisimulang muli.

Masaya ako na makalipas ang siyam na taon, kami'y magkaibigan parin ni Mark. Kapwa na kaming may karelasyon ngayon, at tunay ngang masasabi kong nanaig parin ang aming pinagsamahan noong hayskul. Hindi man kami nagkatuluyan, patuloy ko siyang mamahalin. Sa kanya ko unang naranasang magmahal na walang hinihinging kapalit. Sa kanya ko unang naramdaman na mahalaga at espesyal ako...

Salamat sa iyo, kaibigan :)

Thursday, December 27, 2012

Day 2-

Day 2- Meaning Behind Your Blog Name

Sad Endings are but the Next Happy Beginning. (www.lyagoncillo.blogspot.com). I've had my blog since early 2011. I always wanted to maintain my blog and write as much as I can, but I always have other things to do. I based my blog name, first, from my name (haha!) napaka-creative ko. Then, my blog title, from an anonymous person on twitter.

Sad endings are but the next happy beginning. If you will come to think of it, this is just an ordinary quotation I borrowed from someone. It only meant that when something ends, no matter how sad or how bad it is, there's always something good that will follow.

Hindi naman tayo laging malungkot. I've had my heart broken for a couple of times (same person) and I never thought that I will fall in love again, but just like what Coelho said: "sometimes we have to loose someone to know that we deserve someone better. Sometimes bitter endings are the best beginnings."

We can not reach that happy beginning if we will not allow ourselves to reach that part. Sometimes, we only hold on to memories. We need to be strong enough to end what needs to end and start anew. I never changed my blog name, it was really close to my heart. Blogspot served its purpose in my life, I've released most of my emotions especially the sad and painful ones through this blog.

Oh well, there. Day 2, done. :)

Blogged. x

Wednesday, December 26, 2012

30 Day Blog Challenge: Day 1-

Day 1- Introduction. Recent picture of yourself. 15 interesting facts. 

I have read good reviews about this 30 day blog challenge and I was really curious on how I would end up after 30 days (If I can finish it! Hah!) But seriously, I really wanted to write and write, to enhance my skills, to hone my talent, to blog about myself without sounding and acting too conceited... But I have too little time or I'm just always not in the mood. When I read about this blog challenge, I wondered if I could step up to the challenge, test my limits by trying, knowing how lazy I am when it comes to writing specifically blogging.

Now, I am taking this challenge and hopefully after 30 days I've written something worth reading and my readers (if there ever are any) will learn something from me and get to know me a little bit more.

Recent Picture.


JCCF Christmas Party 21-12-12

This photo was taken last December 21, 2012. Apparently, the world was supposed to end and I'm so glad it didn't! This shot is really close to my heart for one reason: it shows how happy, blessed, and fulfilled I am for this year. My year didn't start right, but it ended or rather will end with a BANG! :) Thank You Lord!

15 Interesting Facts. 

This is rather challenging. I'll try to think of 15 interesting facts about myself, I'm not sure if it is really interesting, pero blog ko to so walang pakialaman. Hehe! 

1. I bleed caffeine. I literally bleed caffeine. I am a coffee-lover and I love hanging out in cafes all by myself or with friends depending on my mood. 

2. I am a sucker for chick flicks. Movies that will capture the most raw of all emotions. I am the type of person who will cry and laugh at the same time, yung feeling na "nakakarelate ako!" at yung feeling na "sana ako nalang yung bida".. Ganung feeling! Haha! 

3. Passion is worship. I love to sing and I love to sing for God. I know that my talent came from Him that's why I am trying my best to use my voice for His glory. 

4. I breathe Music. I am not the TV person, I'd rather listen to music all day and not get bored instead of watching TV series and the like. Kaya kong mabuhay ng may nakasaksak na earphones at nakikinig lang, masaya na ko. 

5. Jeddahn citizen. I live and grew up most of my adolescent years in Jeddah, KSA. I never had a normal childhood, since Jeddah is not the most free country in the world. Now I'm back, working and I remember myself saying that I will never go back to Jeddah but then I realized I was wrong.

6. Extrovert. People who know me will agree that I love hanging out with people. My boyfriend always calls me 'Ms. Gala' kasi mahilig nga daw akong gumala. Hindi ko rin alam, but I am blessed with good friends. We can never have enough friends in a lifetime. Extrovert as I am, hindi naman ako yung tipong papansin na. But I think I am approachable and nice in my own right. Hehe! 

7. Committed. Commitment is an important key to a successful relationship. You can't say you love someone and not be committed to that person. I am proud to say that when I love, my commitment, trust and loyalty to that person is in tact.

8. I have a bad sense of direction. have you ever met someone who claims to be a driver but has no sense of direction at all?? Well, that will be me. Dalhin mo ko sa isang lugar at siguradong mawawala ako. I have a short term memory (amnesia girl lang? Hehe) and I tend to forget the places I've been to kaya di ako pwedeng magdrive magisa kasi mawawala ako. I have this one specific instance that scared the hell out of me but I won't go to details nalang. But yeah, I drive but I need a co-pilot with me. Hehe!

9. Emoterang frog. Madami akong angst sa buhay. Iyakin at matampuhin. My boyfriend will attest to this mood swings of mine and I may say, he can handle me at my worst and I love him for that. :)

10. Bookworm. Reading will always be my hiding place. My safe haven. My comfort zone. When I have time, I try my best to read atleast one book. To finish it or at least kahit maumpisahan ko lang. I wish I have more idle time to do this, but work keeps me from reading and sometimes I miss the feeling of being young and carefree when you can just do anything and everything under the sun. :(

11. OFW. Yes, I am a certified OFW and proud. Hindi lahat ng tao alam ang hirap ng malayo sa mga mahal sa buhay, kaya kapag OFW ka, Bayani ka! Katatapos lang ng Pasko at tunay ngang ang hirap magpasko ng mag-isa. I miss home, I miss my family and I wish I was with them during this holiday season. But God is reminding me tht everyday should be Christmas. Kaya mahirap man malayo sa mga mahal sa buhay, I am still thankful kasi I have thr opportunity to share my blessings.

12. I am sloooooooow. Try to crack a joke and find me laughing after everyone stopped laughing. Ganyan kaslow ang processor ng utak ko. Aminado akong d ako magandang kausap sa joke time kasi minsan di ko magets ung meaning nung joke. Haha! Friends would always ask me kung nagets ko ba kasi minsan tumatawa ako tapos di ko pala nagets, and we will end up laughing even harder. Ahhh, good times. :)

13. I am a family person. I love my family and I am so blessed to have them in my life. They are my source of strength and my source of joy. Friends, acquaintances, workmates, people in our life may leave us but not family. They are irreplaceable.

13. DLSU and proud. I love my alma matter. Hindi ako masyadong ganung kavocal about my college alma matter but studying in DLSU will always be special for me. I know that sometimes I feel that I made the wrong decision, but when I chose to study at DLSU, I started to make my own decisions. My parents wanted me to become like them at one point (medical), but I thank them for allowing me to spread my wings and try a different direction. Plus, my boyfriend, though we never met during my college days, studied in La Salle and took the same course (Masters) as I did, for me that was destiny. It was a very small world and I'm glad our paths crossed. Salamat, DLSU.

14. I enjoy ME times. Some people can't stand being alone. I, for one, can live a day without anyone by my side. I enjoy being alone as much as I enjoy hanging out with the rest of the world. Being alone only shows that you are strong enough to see the world on your own perspective, that sometimes you need to take a break from all the stress, talk to God, write on your journal, read a good book, enjoy window shopping, do groceries, and eat at your favorite restaurant. It's all about having the right disposition.

15. I believe in FOREVER. I believe in US. I love my boyfriend and even if were miles apart, I know that I will still be inlove with him no matter what. It's the kind of love that does not require anything but rather, just him telling you he loves you keeps you sane and alive. Haha! He makes me happy and he makes me want to be the better me. I can never thank God enough for giving him to me and I am hopeful that this will last for a lifetime. I love you babe! :)


There. Day 1, done. :)

Blogged. x

Tuesday, December 4, 2012

Cinco. Kamsa. Lima. Five.


Why FIVE is so special? 

Hindi naman namin monthsary talaga ngayon, kasi ang kinoconsider namin na official ay May 20. It took us awhile to really determine our monthsary, naging peg pa namin ang EVERYDAY monthsary kasi hindi nga namin alam kung ano ba talaga kami that time. Ang alam lang namin, we are really enjoying each other's company and na nagg-grow yung feelings everyday na magkasama kami this Summer 2012. 

It was a great summer indeed. I went home (for 2 months) to fix my papers for my current job, not expecting anything especially in the aspect of relationship but then God is good, He has a purpose. Nakakatawang balikan ang nakaraan, kung paano nagsimula ang lahat at kung paano naging daan ang May 5, 2012 para sa aming dalawa ni Yuan. Hindi lahat nakakaalam kung ano ang mga pangyayaring naganap nung araw na iyon, pero nananatiling espesyal para saming dalawa ang May 5 dahil iyon talaga ang nagbigay daan para mas lumalim pa ang pagtitinginan namin sa isa't isa. 

Ang naudlot na date sa RW.

Ang gala with the teacherrifics
May lakad dapat tayo niyan, first time nating lalabas at pupunta ng Resorts World pero dahil sa mga kadahilanang napapadalas na nga ang asaran sa ating barkadahan, kinailangan kong umiwas at icancel nalang ang ating date at sumama nalang tayo sakanila sa ATC. 

May kakaibang ilang na nadarama nung araw na to, hindi ko maexplain pero sobrang ilang na ilang ako sayo at hindi na kita makausap kagaya ng dati. Nageexpect ako na kakausapin mo ko kung tutuloy parin ba tayo after ng lakad ng barkada natin pero dinedma mo ko at isa ka ring snob nung mga panahon na yun. Nakaramdam ng kakaibang tensyon mula sa ating dalawa at natapos ang gabi na kahit busog tayo sa tawanan at pagkain kasama ang ating mga kaibigan, hindi naman natuloy ang plano natin at umuwi kang magisa at naiwan ako sa ATC kasama si Ziegrey. 

Ang unang pag-amin kay Ziegrey. 

Nacoconfuse na ko ng mga panahon na to. Hindi ko alam kung bakit ang bilis naman magkafeelings para sa isang tao, eh isang linggo palang naman talaga tayong halos araw-araw magkasama. Oo, magkaibigan tayo pero hindi naman talaga sumagi sa isip ko na magiging tayo or magkakafeelings na serious. January pa ng una tayong nagtawagan ng BABE at nagkukulitan sa facebook at twitter, pero hindi naman tayo umunlad doon at talagang alam kong joke time lang.
Kaya nung araw ng May 4, hindi ko magets bakit ako nadidissapoint at di tayo natuloy sa lakad natin at bakit hindi mo ko kinausap. Kinailangan ko ng confidant at taong makikinig sa akin, at nasabi ko na nga kay Ziegrey ang medyo namumuong pagtingin ko sayo. Haha! Medyo nagulat pa nga si Zieg, kasi di niya daw tayo maimagine. Pero bottom line ng gabing yun, kinailangan kitang itext at tanungin kung ano ba ang nangyari. 

So, tinext kita, at ang tagal mong magreply. Akala ko di ka na magrereply. After 1 hour siguro, nagreply ka at natuwa naman ako. Nagdecide tayo na magkita muli kinabukasan para mag-usap at kahit di malinaw kung ano ang dapat pag-usapan, tinuloy narin natin ang ating naudlot na date. 

There was HOPE. 

May 5 na. Parang naaalibadbaran ako na hindi ko maintindihan. Ayokong dumating ang 3 pm kasi alam kong magkikita na tayo eh hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sayo. Haha! Confused talaga ako sa feelings ko pero alam kong andun na sa point na gusto kita pero hindi ko masabi kung malalim ba o infatuation ba o naaaliw lang talaga ako. 

Nagpunta tayo sa JAMBA JUICE.

Napaka-haba ng usapang ito. Hindi natin alam kung paano b natin mareresolve ang isyung walang issue. HAHA! Siyempre nauna ka magsalita, at naglitanya ka na tungkol sa dati mong feelings for me at ang past mo at ang fears mo at ang expectations mo at ang maraming marami pang topics na hindi matumbok kung ano ba talaga tayo. 
Jamba Juice
Hindi ako makapagsalita that time, ang dami ko rin talagang gustong sabihin di ko lang alam kung tamang oras ba iyon. Pero dahil naisip ko baka hindi na ito mangyayari ulit, nagsabi narin ako ng feelings ko for you. 

Nag-agree tayo na we like each other but we need to figure it out kung kaya ba natin ang long distance at kung kaya ba natin yung maging tayo. Natapos ang gabi na hindi malinaw kung ano tayo, pero sabi mo nga sa binigay mong notebook sa akin bago ako umalis... 

Basta ang araw na ito malinaw sa akin na gusto kita at gusto mo rin ako. Masaya na ako dun. 

MCDO

Masaya ako na nakapag-usap tayo ng araw na ito Babe. Alam ko talaga na espesyal to sa atin at kahit siguro mag-asawa na tayo at magkakapamilya na, maiisip ko parin yung Saturday ng May 5 dahil kung hindi rin naganap ang araw na iyon, baka hindi nga tayo umunlad na dalawa. Baka matulad lang sa dati na hinayaan nalang natin ang feelings na mawala at bumalik nalang tayo sa pagiging magkaibigan. 

 7 MONTHS and COUNTING!

It's been 7 months since May 5 Babe and I can still recall how blissfully peaceful and romantic that day turned out to be. I can't thank Him enough. Matagal din tayong naghintay, and we couldn't be happier! Praise God! :) 


I love you babe! Happy 5! Isa sa napakadami nating memorable dates. 

To infinity and beyond, from now until forever. 


Blogged. x