The Chronicles of
being a Jeddahn Citizen
Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay, eto ang kwento ng aking buhay. :)
It’s 1 and I must
do this alone – GROCERY and ERRANDS.
Nag-sisink in na talaga sa akin everytime uuwi ako ng bahay
ko na mag-isa na talaga ako. Not literally mag-isa as in walang kasama, pero
alam mo ung feeling na wala kang family sa tabi mo na pwede mong hingan ng
tulong o pwede mong takbuhan pag nagkaproblema ka. I am blessed to have a very
loving and helpful roommate sa katauhan ni Ate Luz, wala akong masabi kasi
tlagang mabait talaga pero iba parin ang family. Iba parin ung feeling na
malapit lang sila. And honestly, ngayon ko narealize na ang hirap pala maging
independent.
Yes, in all fairness, sa almost one week ko na dito sa bundok,
ang daming bagay na ako lang ang gagawa at walang ibang gagawa para sakin.
Household chores, groceries, even pagluto ng sarili kong pagkain kung ayaw kong
mamatay sa gutom. Alam kong madami pang challenges ako na hharapin for the next
12 months and I am really ready to face it. I know that this is what I need for
me to mature more as a person and as a professional. Hindi ako pwedeng umasa sa
parents ko panghabang buhay. And this is the start… I have to do these things,
and I have to do it ALONE.
It’s 1 and I must
do this alone – KAPE.
Bilang nakasanayang ritual naming magkakaibigan (Rach, Syd,
Rhayks, & me), every 1st of the month kami ay nagtitipon-tipon
(tipon-tipon tlaga?? Haha) para magkape sa paborito naming kapehan.. Ang
Starbucks. Last year, nakumpleto ko lahat. Ngayong taon, marami-rami akong
namiss dahil pahirapan ang Starbucks sa Gitnang Silangan. Hindi kagaya sa Pinas
na para itong kabote kung saan saan sumusulpot.
Anyway, sa di pinlanong pagkakataon, ako ay nag-mall kagabi
dahil may kailangan akong bilin, at ang nakakatuwa dun ung mall na pinuntahan
ko may Starbuko! At exactly 8pm JED time (1am MNL time), nagkape ako habang
kausap ko sa kabilang linya ang aking habibi. Nakakaaliw, first starbucks ko sa
JED na mag-isa ako. As in, mag-isa talaga. Nafeel ko ang pangungulila pero ako
ay masaya na andyan si Babe para libangin ako habang naghihintay ng oras pauwi.
Nakakatuwa na 3 straight months nakapag-kape ako, pero nakakamiss… Narealize
kong mas masarap magkape pag may kasalo ka, katawanan ka, kausap ka na nasa
harap mo tlaga. Oh well, madami-dami pang ganto ang pagdadaanan ko. I have to
be strong and I have to get use to this.
Ngayong July, nagkape sila sa may harvard square (according to Juanito) at syempre, siya ang proxy ko. I hope you guys had fun. I miss you all so much and my heart is so jet lagged. Alam nyo yan. Haist!
Ngayong July, nagkape sila sa may harvard square (according to Juanito) at syempre, siya ang proxy ko. I hope you guys had fun. I miss you all so much and my heart is so jet lagged. Alam nyo yan. Haist!
It’s 1 and I must do this alone – WORK.
Ang aking work station. :) Spot ze picture. To make me smile. :) |
Hanep mag-utos ang bossing ko. Agad agad. PBB TEENS nga!
Hindi pa tapos ang isang trabaho, may kasunod na agad. Naaliw ata sakin kasi
mabilis daw ako magtrabaho. Take note: EFFICIENT daw. Hehe! I play hard but I
work harder. Pag joke time makulit ako, pero seryoso ako pag trabaho na.
Ayokong nasisilip ako pagdating sa efficiency. Kailangan accurate, efficient,
and on time. Yan ang aking goal. NAKS! Hehe!
Nakakatawa kasi namiss kong magtrabaho, nmiss kong mangarag
at namiss ko din ung feeling na may pinagkakaabalahan ako. Infernez sa trabaho
ko, kahit may mga oras na busy ako, nakakasingit parin ako ng time para sa
sarili ko kagaya ngayon. Hehe! Bumablog spot habang gumagawa ng schedule. Anyway,
naisipan ko lang naman magblog. Wala kasing mapaglabasan ng mga angst ko sa
buhay eh.
May sa kung anong bumabagabag sa akin pero hindi ko un
ineentertain. Ayoko ng negative thoughts. Gusto ko positive, dapat POSITIVE
lang.
Anyways, ang haba nanaman nito. Kung makapagsulat ako wagas,
baka makita ng boss ko mga pinagggagawa ko. Hehe! Happy 1 everyone! July, please be nice to me. :)
NOTE FOR YU:
I miss you and alam mo yan. Lagi kitang iniisip. Mahal kita.
Thank you for reading!
Be blessed and be a blessing!