And I'm back...
Makalipas ang mahigit dalawang buwan ng hindi nagsusulat at hindi nagbubukas ng blogspot, pakiramdam ko hindi na ko marunong magsulat. Haha! Pag wala ka na kasing pinag-dadaanan parang ang hirap humanap ng inspirasyon. Pero naisip ko, kailangan ba problemado o heart broken ka muna bago ka makapagsulat ng matino? Hindi ba pwedeng pag masaya din? :) Susubukan kong magsulat ulit... Nangangarap akong may sense ang aking mga sasabihin. Kung wala man, pagbigyan, blog ko to. Magsulat din kayo sa blog niyo. :D
Nagising ako kanina na parang may umuudyok sakin na buksan ang laptop at silipin ang aking blog. Infairness, simula ng nag-decide akong huwag na munang magsulat, hindi ko na muling binuksan ang aking blog. Nakakaaliw na isipin na mayroon parin palang nagbabasa nito. Umabot na ko sa 4,214 views. Nung Marso nasa 3,333 views noong huli ko itong tiningnan. Hindi ko rin alam kung anong napapala nila sa pagbabasa ng aking blogs, ako'y lubos na nagagalak na pinagtuunan nila ng pansin ang blog ko kahit mas marami pang mahalagang bagay na gawin at basahin. Salamat po sa inyong suporta. (Feeling artista?)
Maiba tayo...
Maiba tayo...
God has been so good to me this past two months, He showed me that if I remain in His words and if I trust Him, He will shower me with blessings I cannot even contain. True to that, ako na ata ang sumusuko sa lahat ng blessings na binibigay Niya sakin. Siksik, liglig, at umaapaw nga eh! Haha! Kidding aside, I can never be thankful enough for I have a BIG God. A God who will and always will provide all my needs, and will and always will give me the best. ♥♥
Si Sir Yuan. :)
Hindi ko hiningi, pero binigay Niya. Hindi ko hinanap, pero dumating. God truly moves in mysterious ways. Thank You Lord. :) Akalain mong andyan lang pala sa tabi-tabi (literal!). The long wait is finally over, andito ka na, alam kong may dahilan kung bakit ka Niya binigay sakin. Madaming mga bagay na hindi ko maiintindihan, pero if there's one thing na nagpapasalamat talaga ako, I was given this one more chance to open my heart to someone else. I know this will be a long and challenging one, but let's make it worth the wait. Sabi nga, PAIN is inevitable, so kung susugal ka nalang din, siguraduhin mong sa tamang tao na. I will not make any raw conclusions, I am just hopeful that this relationship will last and will stay strong. Lahat tayo nangangarap na makatagpo ng tao na makakasundo mo, magiging kaibigan mo, makikinig sayo at tatanggapin ka ng buong buo.
Talagang nakatulong din na magkaibigan na tayo dati pa, mas kilala na natin ang isa’t isa. Wala na yung awkward stage. Akalain mo nga naman, dati shock absorber lang natin ang isa't isa pagdating sa ating kanya-kanyang lablyf, kabiruan, kakulitan, kausap hanggang madaling araw, barkada, "close" friend... Hanggang ngayon, napapaisip parin ako, hindi ko parin maisip pano nangyari ang mga bagay-bagay. HAHA! Talagang mapapa-Thank You Lord ka na nga lang talaga! Magugulat ka talaga na Ibibigay nya sayo at the right place, at the right time... Kapag handa ka na at kapag alam mo sa sarili mo gusto mo na talaga. Kumbaga, this is it Lord, I'm ready. :)
Talagang nakatulong din na magkaibigan na tayo dati pa, mas kilala na natin ang isa’t isa. Wala na yung awkward stage. Akalain mo nga naman, dati shock absorber lang natin ang isa't isa pagdating sa ating kanya-kanyang lablyf, kabiruan, kakulitan, kausap hanggang madaling araw, barkada, "close" friend... Hanggang ngayon, napapaisip parin ako, hindi ko parin maisip pano nangyari ang mga bagay-bagay. HAHA! Talagang mapapa-Thank You Lord ka na nga lang talaga! Magugulat ka talaga na Ibibigay nya sayo at the right place, at the right time... Kapag handa ka na at kapag alam mo sa sarili mo gusto mo na talaga. Kumbaga, this is it Lord, I'm ready. :)
Pakiramdam ko napaka-babaw ng naisulat ko, hindi ko kasi kayang iexplain or iexpress sa ngayon ang gusto ko talagang sabihin. Parang speechless. Parang masayang-masaya ka kasi, ayaw mo siya matapos o mawala. Ganun ata talaga, some words are better left unsaid. Hindi lahat ng oras kailangan ma-explain, hindi lahat ng oras may tamang words na mag-fi-fit sa nararamdaman mo. Tanging ikaw lamang ang nakakaalam ng tunay mong nararamdaman.
Hahanap pa ko siguro ng tamang timing para sa iba ko pang gustong sabihin (marami pa actually haha!). At least sa ngayon, nakapagumpisa na ulit akong magsulat. Siguro pagdating ko sa Jeddah makakapagsulat na ko ng maayos, kasabay ng pagbaha ng luha sa pagiging homesick (HAHA!) ang pagbaha ng mga salitang nais kong sabihin. Haha!
I can only hope and pray that this is not just a phase. And I strongly believe it's not. I know God has a plan for me, and I know that it’s always for the better.
I cannot speak I’ve lost my voice. I’m speechless and redundant cause I LOVE YOU is not enough, I’m lost for words. (nuks!)
ILYu :)
Salamat sa pagbasa!
Sa uulitin :)
Be blessed! :)