Napaka-orihinal ng title ng blog ko. Haha! Nagising ako ng pasado alas-sais y media kanina at paikot-ikot nalang ako sa kama, naghahanap ng magandang posisyon para makatulog muli. Ngunit kahit anong ikot at yapos ko sa aking mga unan, tila ‘yung ingay at wasiwas ng malakas na ulan sa labas ng aming bahay ang nagsisilbing alarm clock ko at sinasabing “hoy, gumising ka na!”… At syempre, ako naman si uto-uto, gumising naman. Haha!
Dilat na ang mata at diwa, handa na muling harapin ang hamon ng panahon at ng araw na ito nang maisipan kong.. ang tagal ko na palang di nagsusulat. As in, parang Pebrero pa ang huling sulat ko sa blog ko. Masyado kasi akong naging busy at nawalan na ko ng panahong magsulat. Nakakamiss din pala. Etong ulang ‘to lang pala ang magsisilbing inspirasyon ko para magsulat muli. Hahaha!
ULAAAAN.
Masarap talaga pag umuulan. Ramdam na ramdam mo iyong lamig ng panahon, ang sarap lang matulog at tumambay sa bahay, uminom ng mainit na kape o hot choco, kumain ng pandesal o tuyo with sinangag… Ang mga simpleng bagay na hindi natin napapansin kapag maaraw, nabibigyang-puna natin kapag umuulan. Kagaya ngayon na kasalukuyang ako palang ang gising sa bahay namin, ang dami kong naiisip, in English, daydream.
SPEAKING OF DAYDREAM…
Naaalala ko ang nakaraan (alam niyo na siguro kung ano iyon), eto nanaman yung part na kakanta si Imelda Papin ng “SAAN, SAAN AKO NAGKAMALI??!” Hanggang ngayon, nalulungkot parin ako… sabi nga nila ang relasyong binuo sa pundasyon ng pagmamahal, mahirap bitawan at mahirap palitan. Sa tingin ko totoo siya… dahil hanggang ngayon, kahit hindi na kami nagkakausap o nagkikita; andoon parin yung lungkot na minsan naiisip mo nalang… “Sana wala nalang nangyari para Masaya parin ako ngayon.” Pero, dahil sa nangyaring ito, natuto akong maging matatag. Pinaninindigan ko ang mga binitiwan kong salita at mas minahal ko na ang sarili ko higit sa lahat. Natuto din akong magpatawad at unti-unti ko naring kinakalimutan ang pait ng nakaraan. Sa tagal din naman naming nagsama, marami din kaming masasayang alaala. Sa ngayon, sinisikap kong magpakatatag at mag-move on… sa tulong ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin, alam kong ito’y isang pagsubok lamang para mas magtiwala ako sa Diyos at sa sarili ko.
Bukod sa aking ngayong non-existent lablyf, naaalala ko din ang mga kaibigan kong malamang eh mahihimbing parin ang tulog ngayon at kung kailan ang aming susunod na gala… hahaha! Inaaalala ko rin ang parking skills ko na hanggang ngayon gusto ko paring ma-perfect! Napakasaya ko kapag ako na ang nagmamaneho ng kotse namin, pakiramdam ko matured na matured na ako! Haha! J Sabi ko nga sa status ko sa twitter at fb kagabi:
Driving is the best medicine for the sad/lonely/happy heart. totooo naman diba?
Isa pang sumasagi sa isip ko ngayon ay ang realidad na kabilang na talaga ako sa mga Pinoy na jobless … unemployed. Saklap noh? Noong nilisan ko ang pinaka-mamahal kong institusyon alam kong ang kapalit nito ay ilang buwang magbuburo ako sa bahay at maghahanap ng pagkakaabalahan. Nakakalungkot lang na minsan kasi nauubusan na ko ng gagawin eh mag-iisang linggo palang akong walang trabaho! Hahaha! Pero kahit pa nga ganto ang kalagayan ko, nagpapasalamat parin ako sa Maykapal dahil alam kong may mas maganda siyang plano para sakin. Kailangan ko lang ibukas ang aking puso at isipan sa mga posibilidad at oportunidad. J (ANG LALIM! Nosebleed)
HANDA NA BA AKO?
Marami pang bagay na pwedeng mangyari. Kailangan ko lang ihanda ang sarili ko sa mga pagbabago. Hindi ako pwedeng palaging ganIto na natatakot lumabas sa kanyang comfort zone. Kung gusto kong maging tunay na masaya sa lahat ng aspeto ng aking buhay, kailangan kong maging bukas sa mga pagbabago at mga matitinding hamon ng buhay na ibabato sa akin (parang biggest loser lang! haha) Kailangan ko mag-umpisa ngayon. Kung hindi ngayon, kailan pa? Sasama ka ba sa akin o magpapaiwan ka lang din? Ang buhay natin ay hiram lang, hindi natin afford ang paulit-ulit na magkakamali.
We should learn to conquer ourselves if we want to touch the lives of others. Learn to love ourselves more before we can learn to love and appreciate others. Learn to accept mistakes and learn from it. Learn to live like were dying so everyday will always be a new adventure for us. :) Magandang umaga po! :)